Chapter 35

54 3 2
                                    

(bella)

Ibang klase din nga pala ang taong napuri, iba ang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ibang klase din nga pala ang taong napuri, iba ang ngiti.

"Alam mo, para kang t*nga." Puna ko sa kasama ko. Kakaiba kasi talaga yung ngiti nya magmula noong sinabihan ko sya na ang gwapo nya.

"Okay lang, gwapo naman." Ngumiti pa ito nang matunog saka nagpatuloy sa paglalakad. Napailing nalang ako sa inasta nya.

Natigilan lang ako nang hawakan na naman nya ang pulsuhan ko at hilahin ako sa kung saan.

"Teka, sandali nga lang! Saan na naman ba tayo pupunta?" Hindi mapakaling tanong ko pero hindi rin sya sumagot. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin itong maliit na playground.

"Tara!" Tinapunan nya lang ako ng saglit na tingin saka muli akong hinila papunta sa swing.

"Ano tayo, bata?" Natatawang tanong ko nang tuluyan na kaming makalapit dito. Nagulat pa ako ng makita syang manguna doon at maupo.

"May tayo na ba?" Awtomatikong napangiwi ako sa tanong nya. Adik! "At tsaka may nakalagay bang for kids only?" Dagdag pa nya na lalong nakapagpangiwi sa akin.

At dahil mukang wala syang balak umalis ay pinili ko narin ang maupo. Nangangalay narin ang binti ko kakatakbo.

"Ang dami mong kuda!" Ani ko na ikinatawa lang nya saka tuluyang nailapat ang pang-upo ko sa duyan. Hayst, ang sarap sa pakiramdam na maipahinga ang mga binti.

Ilang sandali pa na binalot kami ng katahimikan pero agad din iyong nabasag ng magsalita sya.

"Oh diba masarap sa pakiramdam?" Aaminin kong, parang may nawala sa akin ng magawa ko ito. Para bang may stress na narelease. Saglit ko lang syang tiningnan saka tumango bilang sagot.

"Arte mo pa kanina, aayaw-ayaw ka pa." Napataas ang kilay ko sa lintanya nya saka sya muling hinarap.

Aba! Inirapan pa 'ko.

Pairap ko ring ibinalik ang paningin sa harap. "Yung totoo.." Nakita ko pa syang lumingon sa akin gamit lang ang peripheral vision ko pero hindi ko na sya nilingon pa. "Bakla ka ba?"

"Ako? Bakla? Hahaha" Napangiwi ako ng tumawa sya ng pagkalakas-lakas. Baka may makarinig dito, isipin pang may sayad. Nakakahiya tuloy, iiwan kita dyan eh.

"Kapag binigyan kita ng isang basketball team na anak, saka mo sabihing bakla ako." Literal na napanganga ako sa sinabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon