Chapter 9

66 7 10
                                    

(bella)

Habang nasa pila ay hindi nawawala ang pag-alala ko sa wirdong nakita ko kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nasa pila ay hindi nawawala ang pag-alala ko sa wirdong nakita ko kanina. Sa totoo lang, hindi lang talaga iyon ang dahilan may isa pang bagay talaga akong inaalala.

Para kasing nakita ko na sya somewhere and I'm not sure kung saan. Pakiramdam ko kasi familiar sya kahit hindi ko nakita ang mukha nya. Pilit ko pang inisip iyon hanggang sa may narinig akong magsalita.

"Thank you Ma'am Sir!" Napalingon ako sa nagsalita. Yung crew pala.

Matapos ang mahabang pag-aantay ay sa wakas! Naka-order nadin kami.

Pero charot lang talaga yung nag-antay ako. Kasi lipad talaga ang utak ko kaya hindi ko na namalayan.

"Tara dun tayo baka may available na upuan dun." Marahan lang kaming naglakad dahil may hawak syang tray, baka matapon. Sinasabayan ko lang sya, nakakahiya naman kung mangunguna ako diba.

Nakakapagtaka naman dahil hindi pa man lunch time ay almost no vacant table na. Gayunpaman, talagang blessed kami at nakita ko yung mga babaeng tatayo na mula sa table na nasa dulo.

Nice!

"Ayun! Tara dun!" Nanguna na ako sa paglalakad, baka kasi may maupo pa.

Mabilis ko ring ibinaba ang shoulder bag ko at naupo. Tiningnan ko agad si King na naglalakad na papalapit dito sa pwesto ko. Pero bago pa man sya tuluyang makalapit ay tumawag na ako ng crew at pinalis ang table namin. "Kuya excuse me!" Hindi na ako nagsalita sa halip ay itinuro ko na lamang ang table sa harap ko ng may ngiti sa labi.

Habang nililinis ni kuya yung table namin ay sya namang paglapit ni King. "Too hungry huh?" Natatawa pa nyang biro saka inilapag ang tray at naupo. "Thank you." Pagpapasalamat nya sa naglinis ng mesa at nakangiting iniwan kami.

"Obvious ba?" Natatawa ko ring tugon at tinulungan ko na syang ayusin ang mga pagkaing ihain sa harap namin.

"Sino nga pala yung nakita mo kanina?" Panimula nya nang mai-ayos na namin ang lahat. Sumimsim muna ako sa coke float ko bago tumingin sa kanya at sasagot na sana, pero agad din nya akong pinigilan ng mapansing napaparami ang iniinom ko. "Teka, magkanin ka muna, you're not eating anything yet. Di ka pa nga nagbebreakfast eh." Oo nga pala, ang alam nya hindi pa ako nag-aalmusal. Sh*t! Kailangan kong pandigan 'to. Sumimangot naman agad ako.

"Ewan, ang creepy nga eh!" 'Di ko na pinansin yung pangaral nya at kinuha nalang ang spork at nagsimulang kumain.

"Why?" Nagtaas sya ng kilay bagaman hindi nakatingin sa akin. Kumakain na din sya.

"Bukod sa parang napansin kong kakaiba yung tingin nya.." Sumubo muna ako bago ipinagpatuloy ang gusto kong sabihin. "parang nakita ko na sya."

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon