Chapter 23

50 3 4
                                    

(bella)

Marahan kong isinara ang pinto ng opisina ni Dean saka hinarap ang taong may kagagawan kung bakit ako nandito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marahan kong isinara ang pinto ng opisina ni Dean saka hinarap ang taong may kagagawan kung bakit ako nandito.

"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Nagtaka naman ako nang hindi ito nagsalita bagkus ay pinakatitigan lang ako.

Una, nakikita ko syang nasa paligid ko. Ikalawa, may sinasabi sya sa aking hindi ko naman maintindihan. Tapos ngayon tinititigan nya ako. Literal na kinakabahan na talaga ako sa mga ikinikilos nya. Sino ba talaga sya?

"H-hoy, w-wag mo nga akong titigan." Nauutal kong saway sa kanya. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya. Kaya naman iniiwas ko na lang ang paningin at ibinaling ito sa ibang direksyon. Ang lapit pa naman namin sa isa't-isa. Geez!

"Why? Sobrang gwapo ko ba kaya naiilang ka?" Awtomatikong napaharap ako sa kanya saka tinaasan sya ng kilay. Ayos! Mayabang talaga!

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo? Ipaliwanag mo kung anong nalalaman mo. Hindi yung palagi mong iniiba ang usapan o kung hindi man eh iiwas ka." Naiinis na talagang litanya ko. Sa totoo lang, gulong-gulo na talaga ako. Sinusubukan ko namang kausapin si King para alamin ang side nya pero halos ganon lang din naman ang sinasabi nya.

Ang layuan ko itong wirdo na 'to.

Tapos ito namang isa, sasabihin na layuan ko si King.

Sino ba kasi ang dapat kong paniwalaan? Nakakainis na, alam nyo 'yon?

"Sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo." Sa isang iglap lang ay nagbago ang ihip ng hangin. Kung kanina ay puti ang bumabalot na awra sa kanya dahil nagagawa nyang mang-asar, ngayon ay pula tanda na nagpapaalala sya. Na kinakailangan kong sundin ang sinasabi nya.

Bakit ba ang bilis magbago nang emosyon nya? Paano ba gawin 'yon? Gusto kong matutunan, ang astig eh.

"Wala syang dapat na malaman pa." Mabilis na kumilos ang mata ko at agad itong dumapo sa taong nagsalita.

Si King.

"In the first place, naging magulo lang naman ang lahat, simula nung dumating ka." Dagdag pa nito. At ano namang ibig sabihin ng bagay na iyon?

Nagulat naman ako sa biglaang pagtawa ng nasa tabi ko. Nilingon ko ito nang may nagtatakang mukha saka sya pinakatitigan.

Tumigil lang sya sa pagtawa nang makaramdam na nang sakit ng tiyan. Hala? Nagda-dr*gs ata 'to eh?

Buong akala ko ay sasagot pa sya sa sinabi ni King ngunit mas dumoble ang gulat ko nang ilapit nito ang mukha sa akin. Halos maduling ako sa distansyang meroon kami na nakapagpatigil sa kabuuan ko. Nanlalambot ang tuhod ko pero hindi ko maipaliwanag kung paano ko iyon nalalabanan, lalo na ang mga mata nyang nakatitig sa mga mata ko.

Mas lalo akong naestatwa nang ilapit nya ang bibig sa tenga ko at bumulong. "May importante sana akong sasabihin, kaso may epal."

Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko at ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Sa totoo lang, dapat naiinis ako sa sinabi nya. Sinabihan nyang epal ang kaibigan ko pero bakit ganon? Natatalo iyon ng hiya?

Nahihiya ako.

Nahihiya akong marinig nya ang malakas na kabog na nagmumula sa loob ng dibdib ko.

Kaya naman laking pasasalamat ko nang sya narin ang kusang humiwalay mula sa akin. Dahil aaminin kong, hindi ko na magawa pang maitulak sya o lumayo ng kusa mula sa kaniya.

Ang rason?

Hindi ko narin maipaliwag pa gamit ang salita at ang kahit na anong paraan pa. Basta sa tuwing, ginagawa nya ang mga bagay na ito ay kusa na akong naninigas sa kinatatayuan at nawawalan nang lakas ng loob para putulin ang dapat putulin.

Nang tumayo na ito ng ayos ay nagulat pa akong muli nang marahan naman nyang ipatong ang palad sa ulo ko saka binigyan ako nang napakatamis na ngiti.

Ngiti na ngayon ko lang nasaksihan.

Ngiti na kakaiba sa lahat ng ngiti.

Ngiti na makapagpapaibig sa kung sino man.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hawakan ang dibdib kong halos sumabog na sa lakas ng kabog na ibinibigay niyon.

Kung kanina ay iniisip kong nahihiya lang ako sa isipin na baka marinig nya ito, ngayon naman ay naging nakakatakot na.

Natatakot akong marinig nya ito.

"Chat ko nalang mamaya." Aniya, sapat na para marinig ko. Sa huling pagkakataon ay pinakatitigan pa nya ako at nginitian bago tuluyang humarap kay King saka nagsimulang maglakad.

Naiwan naman akong nakatulala lang habang hawak parin ang dibdib ko. Nagising lang ako sa katotohanan nang masalita muli si wirdo.

"Nice try, Hari!" Napabaling ako sa likod nyang papaalis na mula sa pwesto namin. Nagulat naman ako nang makitang nakatingin sa akin si King.

Naiilang akong nag-iwas ng tingin kasabay nang pagbaba ko ng sariling palad mula sa pagkakahawak ng dibdib.

Bakit ganoon ang naramdaman ko?

Bakit ganoon ang naging epekto sa akin ng wirdong 'yon?

Hala?! Ayoko nito.

"Susunduin sana kita dito." Napalingon muli ako kay King nang magsalita ito.

"A-ah." Bakit naman pati sa simpleng pagtugon ay nauutal ako? Bwisit!

"Kaso naalala ko, may kailangan nga pala akong sabihin kay Dean. Kaya mauna ka nalang muna." Paliwanag pa nya. Wala nang mas lalamig pa sa pinakamalamig na yelo sa paraan ng pagkakasabi nya ng linyang iyon. Napatango nalang ako sa kawalan ng sasabihin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa sinabi nya. Kaya naman pinili ko nalang tumabi para bigyan sya nang daan upang makapasok sa Dean's office. Noon ko lang din kasi narealize na nakaharang pala ako sa pinto.

Wala narin syang sinabi pa saka diretsong binuksan ang pinto at pumasok doon. Maingat naman nya iyong isinara saka ako napatitig sa pintong isinara nya.

Aaminin kong, nagiging cold narin si King nung mga nakaraang araw. Naramdaman ko iyon magmula noong dumating ang wirdo na 'yun. Ganoon parin naman ang pagsasama namin, nagsasabay umuwi, nakakayakagan kapag gustong magmiryenda, nagbibiruan kasama ang mga kaibigan. Pero iba na ang pakikitungo nya sa akin. Kahit ang mga officers ko ay alam kong nakakahalata na. Hindi lang sila nagtatanong at ipinagpaasalamat ko iyon. Kaya lang nababahala na ako, lalo na sa friendship namin ni King. Ayokong masira lang 'yon sa isang iglap lang.

Kung ano man ang pakay ng wirdo n iyon, wala akong alam.

Pero isa lang ang hiling ko.

Sana hindi sya ang maging dahilan nang pagkakalamat ng pagkakaibigan namin ni King.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon