❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞
※※※
NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING!
Title Before: ❝ OWNER ❞
date started: january 13, 2020
date ended: ---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Oh nak? Malamok na? Bakit hindi ka pa pumasok?" Saka lang ako bumalik sa reyalidad nang marinig si mama. At ano namang ibig sabihin ng wirdo na 'yon?
'I'll court you?'
Sh*t!
Kinikilabutan talaga ako ng bongga.
"Ah sige po ma, pasok na din po ako." Hindi makapaniwalang tugon ko kay mama. Wala sa sariling kumilos ang katawan ko para i-lock ang gate at pumasok na sa loob ng bahay.
"Oh? May problema ba?" Bungad na tanong sa akin ni mama nang makapasok ako sa kitchen area. Agad naman akong napaayos ng tayo.
"A-ah, hehe wala po ma." Pagsisinungaling ko. Nalilimit na talaga ang ganitong gawain ko, ang magsinungaling. Geez!
"Siguradoka?" Kinabahan naman ako sa tanong nya. Nagsasabi kasi talaga ako nang mga kaganapan sa buhay ko, ewan ko ba kung bakit hindi ko masabi ang tungkol sa wirdo na 'yon.
"Ah wala po talaga. Ano pong lulutuin?" Pag-iiba ko nang usapan. Lumapit pa ako sa refrigerator, binuksan iyon at naghanap ng posibleng lulutuin.
"Nakapagluto na ako 'nak." Napalingon naman agad ako sa mesa nang marinig ang sagot ni mama. Oo nga, tapos na kaya naman kumuha nalang ako ng mga gagamitin namin sa hapunan at inihanda iyon.
"Ah ma, anodawpinag-usapannilaKuya at nung bwisi-- este, bisitanya?" Tanong ko dito habang naghahanda ng mesa.
"Dibanakikinigkakanina?" Agad akong napalingon kay mama saka sumimangot.
"Ma naman!" Reklamo ko pa.
"Oh bakit? Eh hindi ba nagtatagokanga doon--" Hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nang magsalita na naman ako.
"Hindi nga po ako nagtatago eh!" Pagtanggi ko. Ipinakita ko pang medyo nagdadabog ako para maniwala sya. Hehe!
"Eh ano? Naglilinis ng pader?" Si mama talaga, nagawa pang mang-asar!
"Ma!" Naiirita kong saway kay mama. Nakakainis naman eh!
"Biro lang hahaha." Nakakatawa yon?
"Hindi sinabi ng Kuya mo eh, pero nagpakilala naman nangmaayos yung bisitanya. Anongaulitpangalan ng batangiyon? Sa.. Sa..?" Natigil naman ako sa ginagawa at napairap. Psh!