Chapter 4

97 7 1
                                    

(bella)

Pinagmasdan ko lang ang mga kasama kong kumain ng fishball

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmasdan ko lang ang mga kasama kong kumain ng fishball. Mas bet ko parin ang kwek kwek kaya hindi nalang ako bumili. Maaga kaming pinalabas ng last prof namin kaya nga heto kami at nandito sa may tuhog-tuhog.

"Kuha ka, ako na magbabayad." Alok ni King sa akin pero umiling lang ako. Pailang iling ko na ba yun?

Hindi ko na mabilang.

Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko at muling nagbutingting doon. Naramdaman ko namang sumilip ang katabi ko. Kunyaring iniwas ko naman iyon na dahilan nang pagtawa nya. Pagbaling ko nang tingin sa kanya, natawa na din ako.

Titingnan ko pa sana ang mga kasama ko nang maramdaman ko ang pananahimik nila nang sabay-sabay na naman sila sa magic word. "YIEEEEEEE!" Make face is the key.

"Uwi na tayo, nakakabwisit lang pagmumukha ng mga 'yan." Biro ko, pero deep inside may halo iyong katotohanan. Peace!

"Sige." Hindi ko naman akalaing tototohanin ni King 'yong sinabi ko kaya hindi ko napigilang itaas ang kilay ko. "Manong bayad po." Aniya sabay abot ng barya.

Napabaling nalang ako sa mga kasama ko saka nagpaalam. "Una na kami. Uwi na din agad kayo ha." Paalala ko pa. Nakita ko naman kung paanong pumorma ang mukha nila na parang nanunukso kaya naman nginiwian ko lang sila.

"Ingat! King, ingatan mo yan!" Napairap nalang ako sa sinabi ni Josh saka walang tinginang kinawayan sila patalikod.

Sumunod naman agad sa akin si King at sabay na kaming naglakad pauwi.

"Wala naman tayong homework or pa-advance reading 'no?" Tanong nya na nakapagpaisip sa akin. Nang mapagtantong wala ay bumaling ako sa kanya at umiling.

"First day naman kaya siguro walang nag-abala." Sabi ko nalang at ibinalik ang tingin sa daan.

"Nga pala, bakit parang iba yung sinabi mo kanina?" Bigla ay tanong nya na hindi ko agad naintindihan kaya naman sa ikalawang pgkakataon ay saglit ko syang tinapunan ng tingin. "Ha?" At muling ibinalik ang tingin sa unahan.

"Noong nasa tambayan tayo kanina, hindi ba may ibinulong ka na hindi ko narinig? Ang sabi mo ay ang papangit nung mga kasama natin. Pero parang hindi naman yun kaparehas nung sinabi mo eh." Mahabang litanya nya. Teka, naalala nya pa yun? ibang klase din naman ang utak ng isang 'to.

"Ah hahaha." Natawa nalang ako ng pilit. "May nakabangga kasi ako kaninang estranghero." Panimula ko. "Tapos hindi man lang nagsorry, o kahit tapunan man lang ako ng tingin. Nung una inisip ko na outsider yun, pero parang sa office ni Dean ang diretso eh. Kaya hindi ko nalang pinatulan. Ang nung tanghali ngang nakatambay tayo, diba nagpipicture ako?" Paniniguro ko kung naaalala nya. Tumango naman sya bilang tugon kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento.

"May nahagip akong tao dun sa picture ni Josh and sya yun. Kaya nasabi ko na 'Yung nakabangga ko kanina.'" Pagpapaintindi ko sa kanya with matching gaya sa orihinal na tono nang pagkakasabi ko ng linyang yon. Napa-ah lang sya at natawa.

"Oh? May nakakatawa ba sa kwento ko?" Sarkastikong tanong ko na ikinatawa nya lalo. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Sorry sorry." Sorry pero natatawa pa rin sya? "I just found it cute." Ang cute mo din sana kaso naiinis ako.

"So.." Napatigil din ako nang tumigil sya. Paglingon ko sa unahan nasa kanto na pala kami malapit sa kanila. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami. Ayos din ah. "Hatid na kita?" Araw-araw, kapag magkasabay kaming umuuwi ay yan lagi ang tanong nya pero parehas lang din naman ang sagot ko.

"Huwag na, malapit naman na ako." Ganyan lang lagi ang routine namin. Ngumingiti lang sya saka ako nagsisimulang maglakad. Alam kong hindi sya umaalis sa pwestong iyon hanggang nakikita ako sa paningin nya. Humabol pa ako nang kaway na hindi nag-aabalang lumingon.

Napangiti nalang ako sa isiping napakaswerte ko at may nakilala akong isang King sa buhay ko. Nakakailang na palagi kaming niloloko sa isa't-isa pero nasanay din naman ako sa loob nang isang taong nagsama-sama kami.

Masaya din akong hindi lang sya naging kaibigan sa akin, kung hindi isang kakompetensya. Mas lalong naging challenging ang Senior High ko dahil sa kanya. Wala naman akong reklamo dahil kahit ako ay aminadong natututo din mula sa kanya.

Napakahumble na tao, pero minsan may pagkaweird. Okay lang at least gwapo. Hahaha!

Well, hindi ko naman maikakailang gwapo ang isang 'yon. May lahi din eh, parang ako may lahi kaya maganda.

Joke na hindi!

Basta thankful ako na andyan sya palagi. Hindi man ako vocal na tao, sinusubukan ko namang iparamdam sa kanya. Sana lang mapunta sya sa tamang babae balang araw. Kasi sayang kung hindi sya matatapatan nang kagaya nya.

Despite sa mga magagandang sinabi ko sa kanya, aaminin kong wala talaga akong gusto kay King. Hanggang kaibigan slash kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.

Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang mapansin ang isang sasakyang nakaparada hindi kalayuan sa bahay namin.

Sino ba namang hindi makakapansin sa ganda niyon. Angat na angat ang kulay at disenyo. Pangarap ko din ang magkaroon ng ganito balang araw eh. Ang lupet lang tingnan.

"Pagbutihin ang pag-aaral at iwasan ang pag-ibig." Pagpapaalala ko sa sarili. Tama nga naman, basta mag-aral nang mabuti, magtapos at maghanap ng magandang trabaho kakayaning makuha ang gugustuhin.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang makina nito at umandar. May tao pala sa loob, geez! Nakakahiya, titig na titig pa naman ako. Tapos nagsasalita pa. Sheteee!

Napatalikod ako nang dadaan na ito sa harap ko. Sobrang tinted kasi ng bintana kaya hindi ko napansing may tao. Bwisit! Ang gwapo ng sasakyan kaya posibleng gwapo din ang may ari. Teka, bakit ba puro gwapo nalang ang nasa utak ko? Erase, Bella. Erase!

Iniling ko ang ulo ko ng very hard. Naman, Bella! Nakakahiya ka!

Nagsimula na akong maglakad patungo sa gate namin pero halos matisod ako sa gulat ng bigla pa itong bumusina. Paglingon ko sa sasakyan ay bumira na ito ng takbo.

Geez! Ako ba yung binusinahan nya? Wala namang tatawid at walang nakaharang sa daan.

Itinakip ko ang palad ko sa may bandang noo na parang naiinitan. Chika lang, para maitago ang sarili sa kahihiyan.

"Last na yun Bella!" Sa huling pagkakataon ay kinausap ko ang sarili ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon