Chapter 31

36 2 0
                                    

(bella)

Sh*t*nginamers!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sh*t*nginamers!

"Nanliligaw?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba si Kyrr para kumpirmahin ang narinig o sadyang nang-aasar lang talaga ang tono nya.

Tuluyan na ngang umurong ang dila ko dahil napipika na ako sa kapatid kong 'to. Madalas talaga wrong timing ang isang 'to. Yung tipong gusto mo na lang syang balian ng buto anytime, anywhere.

"Ano-- Aray!" Angal nito ng hablutin ko ang buhok nya. Aangal ka pa ha!

"Sarap busalan ng basahan yang bibig mong pang isda." Naiiritang bulong ko sa kaniya. Konting-konti nalang talaga yung pasensya ko sa kapatid kong 'to, as in konting-konti na lang.

"Oh bakit-- Ah hi dude!" Bigla ay bati nito kay Kyrr. Ngumisi naman ito at tumango bilang pagbati.

"Umalis ka na dito, panira ka lang ng araw." Bulong ko ulit. Sinisiguradong hindi maririnig ni Kyrr.

"Bakit ba--" Muli na namang naputol ang sinasabi nya nang may mapagtanto. Lumapit ito sa akin saka bumulong din. "Ah, dapat ba sikreto?" Ewan ko ba pero para syang t*nga!

Agad akong pumaling sa bag ko at umastang may hinahanap. "Asan na ba yung makapal kong libro?"

"Aalis na nga." Pagsuko ni Kuya saka tumayo na at humkbang palayo mula sa pwesto ko.

Buong akala ko ay aalis sya ng wala ng sasabihin pero ang loko, humirit pa.

"Balitaan mo 'ko kapag sinagot mo na si bundok!"

Walang anu-ano'y dumamput ako ng gamit ko mula sa bag saka iyon ibinato sa kanya.

Sayang, tumakbo agad! Hindi tuloy tinamaan. Ang ending, nilimot ko rin yung ibinato ko. Eraser ko pala na medyo may kabigatan din.

"So.." Napalingon ako kay Kyrr nang bigla itong nagsalita. "Paano na si King?" Awtomatikong nalukot ang mukha ko.

"Medyo may pagkaasintado din ako kaya kung ayaw mong masampulan nitong ability ko sa pamamato, manahimik ka dyan." Akala ko ay mananahimik na nga sya pero mukang walang balak tumigil sa pang-aasar 'to. Tumawa pa ng pagkalakas lakas. Sige, kapag may nakarinig sayong prof patay ka.

"Ginagawa mo namang clown si Pres Kyrr." Napabaling ako sa may pintuan. Si Mina, dumating na. Lagot!

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon