Simula
"Ladies and Gentlemen, now we're approaching Manila International Airport where the local time is 1:00 pm. At this stage you should be in your seat with your seat-belt firmly, fastened. Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front. Please ensure all electronic devices including cellphones and laptops are turned off."
Nagising ako dahil sa anunsiyo ng isang flight attendant. Nakakahiya dahil kung hindi pa siguro siya nagsalita ay magtutuloy-tuloy ang tulog ko.
Paglabas pa lang ng airport ay nanibago na ako. Ibang-iba ang init dito kumpara sa init na kinasanayan ko.
Nakasabit sa kaliwang kamay ko ang isang light pink designer handbag habang dire-diretsong naglalakad patungo sa sasakyan na siguro ay kanina pa naghihintay. Nasa likod ko naman ang isang lalaking porter na humihila sa dala kong mga maleta.
Pinagbuksan ako ng pinto ng driver na ipinahatid ni daddy. Hindi pamilyar ang mukha niya, siguro ay napalitan na ang dati naming mga manggagawa.
Pagkaupo ko pa lang sa passenger seat ay tumunog na ang cellphone ko.
"Where are you?" bungad ni mommy sa kabilang linya.
I sighed. "I'm already here."
Narinig ko rin ang malungkot at malalim niyang buntong hininga, "Dumiretso ka sa mansyon, nagpahanda ng kaunting salu-salo ang daddy mo."
"I know mom," maikling tugon ko bago tuluyang ibinaba ang tawag.
It's been 10 long years. I went to America because they want me to pursue a career that I don't even like. Dahil masunuring anak, wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod, and yes I'm here again to follow their order.
Alam ko na kapag umuwi ako ito ang haharapin ko but I don't have a choice. Sa akin nakasalalay ang ihahain ng daan-daan naming manggagawa sa kanilang mga hapag-kainan. Why would I waste my time and effort protesting about this arrangement if it's already decided.
Katulad ng inaasahan ko, mas lumala pa ang trapiko sa bansang ito. Kahit na malapit lang naman ang Makati sa airport ay inabot kami ng ilang oras sa byahe. Papalubog na tuloy ang araw nang makarating kami
Pagpasok ng sasakyan sa malaki at mataas na entrada ng mansyon ay agad kong binuksan ang bintana upang mas makita ang kabuuan ng lugar na kinalakihan ko. Maraming pagbabago, kung noon ay bata pa ang mga puno na nandito, ngayon ay namumunga na ang mga ito. Marami na ring iba't ibang klase ng halaman, karamihan ay mga namumulaklak. Napalitan na rin ang dati naming fountain na nasa gitna ng rotunda. Mas pinatingkad naman ng mga solar garden lights ang daan patungo sa mismong pintuan ng dalawang palapag naming mansyon.
Nawala ang paglipad ng isip ko nang huminto ang sasakyan. Tanaw ko mula sa loob ang lalaking nakahalukipkip habang nakasandal sa isang haligi. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at agad dinaluhan ang mga maletang nasa compartment.
Niyakap ako ng nag-iisang kapatid na siguro ay nag day-off pa sa trabaho para lang salubungin ang pagdating ko. "I missed you Claud," kahit na nakangisi ay batid ko ang sensiridad sa sinabi niya.
Kumalas ako sa yakap niya saka nagsalita. "The feeling is not mutual kuya," pang-aasar ko na naging dahilan ng pagbusangot niya.
Inakbayan niya ako papasok. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng unang palapag ng aming bahay. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon, dati ay masyadong tradisyonal ang disenyo maging ang mga gamit na nandito. Nakikita ko naman ang unti-unting pagbabago tuwing ka-videocall ko sila ngunit iba pa rin pala talaga kapag nasa harap mo na.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...