Kabanata 16

174 52 10
                                    

Together

Nagising ako kinabukasan na nahihilo at masakit ang ulo. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng dalawang paa ko. Napansin ko na hindi man lang ako nakapagbihis kaya suot suot ko pa ang damit mula sa party. Marahan akong tumayo para makapunta sa banyo. Humarap ako sa malaking salamin, bukod sa namamagang mata ay nagkalat na rin ang make-up sa mukha ko.

Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang bathtub. Balak kong magbabad dito para maibsan ang masamang pakiramdam. Habang nakahiga ay bumabalik sa akin ang alaala na nangyari kagabi. Kung papano naputol ang paghahalikan nila dahil sa presensiya ko. Mas lalong dumami ang gumugulo sa isip ko.

Sino naman ang babaeng yon sa buhay ni Clinton? Nakakahiya ba ang pagwawalk out ko kagabi? Bakit sa tuwing makikita ko si Clinton ay may kahalikan siya? Mayroon ba akong dapat gawin?

Parang sasabog ang utak ko sa dami ng tanong na kailangang mabigyan ng sagot. Pilit kong pinikit ang mata ko para panandaliang takasan ang realidad. Pagkatapos magbabad ay nagbihis na ako. Hindi na ako bumaba para mag agahan dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

Kagabi ay ibinilin ko sa katulong na tawagan sila mommy at sabihin na umuwi ako sa mansyon para hindi sila magtaka at mag-alala. Panatag ako na hindi nag hi-hysterical si mommy ngayon kakahanap sa akin.

Dahil wala ang cellphone ay kinuha ko ang laptop. Binuksan ko ang lahat ng social media account ko para hanapin ang babaeng kasama ni Clinton. Kahit papaano ay mataas pa rin ang pride ko. Hindi ako nagsend ng friend request sa kahit na anong account ni Clinton. Baka kung ano pa ang isipin niya. Wala tuloy akong mahanap na ibang impormasyon maliban na lang sa mga pictures na tiningnan namin ni Liana noon.

Inisa-isa ko ang bawat picture hanggang sa makita ang isang larawan na magkatabi sila sa isang couch. Tiningnan ko agad ang mga naka-tag dito kaya lang ay hindi ko siya mahanap.

"Bakit ko nga ba siya hinahanap? Ano bang nangyayari sa akin? Hindi totoo ang engagement at hindi rin totoo ang kasal na magaganap. Bakit ba ako apektadong apektado?"

Magkakasunod kong tanong sa sarili. Bigla akong natauhan. Bakit nga ba? Lately ay marami akong nararamdamang emosyon na hindi ko mapangalanan.

Dahil sa inis sa sarili ay itinigil ko ang ginagawa. Isinarado ko ang kurtina at buong tanghali na nagmukmok sa kwarto. Medyo hapon na noong kinatok ako ng isang katulong para kamustahin dahil hindi man lang ako nagpakita sa baba. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kaya agad siyang nagdala ng makakain at gamot.

"Wala pa po ba sila mommy?" Tanong ko kay manang pagkatapos niya akong hatiran ng pagkain.

"Pinapasabi po pala sa inyo na baka daw po gabi na sila makauwi dahil may dinaanan pa."

"Okay manang thank you."

"Yung mga gamit niyo po pala ay hinatid ni sir Liam kanina. Hindi na po niya kayo ginising dahil may duty daw po siya."

"Paakyat na lang po rito. Salamat."

Pagkatapos uminom ng gamot ay nakatulog ulit ako. Gabi na noong magising dahil sa ingay ng katok na nanggagaling sa pinto.

"Whaaat?!" Nanghihinang sigaw ko.

"Ma'am may bisita po kayo. Kanina pa po nag-aantay sa baba." Sigaw din ni manang mula sa labas ng pinto.

"Papaakyatin ko po ba o bababa na lang po kayo?" Dagdag niya pa.

"Manang masama talaga pakiramdam ko. Importante po ba talaga? Wala pa ba sila mommy?" Pagmamaktol ko kahit nakahiga pa rin sa kama.

"Wala pa po. Kayo po ang sadya eh. Ayaw niya po sana kayong ipagising kaya lang ay ilang oras na siyang nag-aantay sa baba." Di natiis ng katulong kaya pumasok na sa kwarto ko.

"Sino po ba? Bakit naman late na."

"Si Sir Clinton po ma'am." Ngiti ng katulong namin na parang nanunukso pa.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at dali-daling bumangon. Tiningnan ko agad ang sarili sa harap ng vanity mirror. Nasapo ko ang noo ko nang makita na may bakat pa ng higaan sa mukha ko dahil sa haba ng tinulog.

"Manang paakyatin mo in five minutes." Nagmamadaling sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit nagkakandarapa akong ayusin ang sarili ko. Buong buhay ay confident ako sa itsura ko. Ngayon lang ako na-conscious ng ganito. Naglagay ako ng kaunting powder at liptint. Nagspray na rin ng kaunting pabango.

Ilang katok ang narinig ko bago niya tuluyang buksan ang pinto.

"Come in. L-late na b-bakit biglang napadaan ka?" Kinakabahan kong tanong.

"Gusto ko lang linawin yung nakita mo kagabi." Nasa bukana pa rin siya ng pinto at nananatiling nakatayo.

"Why? Bakit mo gustong linawin?" Kung kanina ay kinakabahan ngayon ay mas naging buo ang loob ko.

"I feel guilty. Naguguluhan ako sa lahat Claud. I'm sorry."

Sinadya kong hindi sumagot para mapilitan siyang magsalita.

"The girl you saw last night was my ex-girlfriend. Three years ago ay nagpropose ako sa kanya dahil gusto ko ng mag-settled down pero tinanggihan niya ako. Sobrang nawalan ako ng gana sa buhay noong nangyari yun. Now she's back, but I'm engaged with you."

Nabigla ako sa rebelasyong ibinunyag niya.

"Do you still have feelings for her?" Walang paliguy-ligoy kong tanong.

"Hindi ko alam Claud."

"The two of you kissed! Tapos sasabihin mong hindi mo alam?! Stop kidding me!"

"You've got the wro –" hindi ko na pinatapos pa dahil bumabalik sa alaala ko ang pakikipaghalikan niya sa iba't ibang babae. Paano niya naman maipapaliwanag yun? Ex niya rin ba ang mga yun at nagpropose rin ba siya sa kanila? Tssss.

"To be honest Clinton hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nagulat na lang ako isang araw na kailangan kong umuwi dito dahil ikakasal ako. Ang hirap hirap lalong lalo na sa side ko. Fiance mo ako pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko tuwing makikita ka na may kasamang ibang babae. May karapatan ba akong magalit? Magselos? Masaktan? Linawin mo sa akin kasi gulong gulo na ako!!!" Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng nararamdaman. Namalayan ko na lang na pumapatak na ang mga luha ko.

Lumapit si Clinton para aluin ako. May kinuha siyang panyo mula sa bulsa na iniabot niya agad sa akin.

"Stop crying. You have the right to feel those emotions dahil fiancee kita." Parang panandaliang hinaplos ang puso ko dahil sa mga salitang sinabi niya.

"Fiancee mo lang kasi kailangan.   Fiancee mo lang pero hindi mo mahal." Hindi ko maisatinig ang gustong sabihin ng isip.

"What is your plan now?" Hamon ko sa kanya.

"Wala pa akong plano. Pero we will figure this out together."

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon