Kabanata 52

129 6 1
                                    

Court

Gusto ko sanang klaruhin sa kanya na hindi kami mag-asawa kaya lang ay naglakad na siya papalayo. Nagtaas ako ng kilay nang makita ko ang pagngisi ni Clinton. He saw my reaction that's why he tried to maintain a straight face.

Kumain na muna kami ng hapunan sa isang restaurant bago bumalik sa penthouse niya. I've decided that I will stay at the hotel next to this condominium.

"I already booked a hotel room," I said as we walked inside the elevator.

Cloud is in his arms. Sa sobrang pagod ng anak ko ay hindi na naabala ang tulog niya kahit noong kinuha siya sa loob ng sasakyan.

"Bakit pa? Hindi ba sabi ko naman sa'yo wala akong kasama. Kung iniisip mong nag-uuwi ako ng babae nagkakamali ka. Those clothes are yours."

Bumukas ang elevator at nauna akong lumabas.

"That is not my only point. Bubuo ng isyu kapag nakita tayong magkasama."

"So?"

Inirapan ko siya dahil nauubusan na ako ng pasensiya.

"Don't you get it? I'm protecting your personal life. Paano kung ma-tsismis na nagkabalikan tayong dalawa?"

He tapped his card to open the door. Pumasok kami sa loob at inilapag niya muna sa kama si Cloud bago ako hinarap. "Bakit? May magagalit ba?" seryosong tanong niya habang nakapukol sa akin ang mata.

Gusto kong matawa. At talagang sa kanya pa nanggaling ang linyang 'yon!

Umatras ako ng kaunti pero mas inilapit niya ang mukha niya. I tried to maintain my composure.

"Ano? May magagalit ba kapag kumalat na nagkabalikan tayong dalawa?" ulit niya pa.

Nilabanan ko ang titig niya kahit na parang hindi ako makahinga.

"Sa akin, wala. Sa'yo, hindi natin sigurado." I concealed my nervousness with a soft laugh.

He grinned. "Ikaw lang dito yung hindi sigurado."

What? Does it mean that my conclusions are wrong? What about Hazel? Imposibleng hindi sila nagkabalikan.

I swallowed hard. Humalukipkip ako para maipakitang hindi ako kabado. "I thought that you have a girlfriend?"

His brows drew together. "I don't do girlfriends... I have a wife."

My jaw dropped. Hindi ko man lang nabalitaan na may asawa na siya! I suddenly remember Hazel's word on the anniversary party. She was asked if they are already married and she answered clearly, "hindi pa"... Ibig sabihin nagpakasal na pala sila?

Goodness! Mas lalong kailangan kong umalis dito at baka mapagkamalan pa akong kabit at naninira ng pamilya! Iyon pa naman ang pinaka-iniiwasan kong mangyari!

Natataranta akong pumunta sa vanity table para kunin ang ilan kong inilagay na gamit doon. Binuksan ko agad ang luggage ko at isinalpak lahat iyon.

"I'm so sorry... I didn't know that you're already married. Sana naipaliwanag mo nang maayos sa asawa mo na kaya lang ako nandito dahil kay Cloud."

Hindi ko na binigyan pa ng pansin ang presensiya niya sa gilid ko. I was too occupied with my luggage. Bakit kung kailan nagmamadali ako biglang ayaw ng sumara! Nakasalampak na ako sa sahig dahil sa pagmamadali.

"Which hotel?" he asked.

Tiningala ko siya. He's standing beside me with an amused expression.

I unconsciously stated the name of the hotel. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at nagtipa roon. Maya-maya lang ay may kausap na siya. Hindi ko na siya binigyang pansin pa, itinuon ko na lang ang atensyon sa zipper ng luggage na sumabit pa sa knitted dress na nasa loob.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon