Family
Mommy's eyes widened when I mentioned that I'm going to Cebu with Clinton and Cloud. Pati si Liana ay napatawag bigla dahil sa ibinalita ko.
"Nangangamoy comeback 'to," she teased on the other line.
Inipit ko sa tainga ang cellphone habang nag-aayos ng maleta. Magkahiwalay ang luggage trolley namin ni Cloud para hindi ako mahirapang maghanap ng mga gamit.
"Sasama lang ako para sa anak ko. Stop overreacting."
"Sasama ka para sa anak mo o sasama ka para madagdagan ang anak niyo?" She chuckled.
I rolled my eyes. Narinig ko ang pananaway sa kanya ni Kuya. I think they're in the car.
I mentioned to her what happened last night. Hindi ko ikinuwento ng buo pero binigyan ko siya mg ideya na nagkausap kami ni Clinton patungkol sa mga nangyari noon.
I feel that I'm still dreaming while I'm sharing it with Liana. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon kami ng ganoong pag-uusap kagabi. Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Para akong natanggalan ng malaking tinik sa dibdib.
She giggled. "Why do I feel that there's a big chance of—"
"Shut it, Liana." Isinara ko ang dalawang maleta. I packed our things that are good for three days.
Tumawa siya nang malakas. Nagsisisi tuloy akong binanggit ko pa sa kanya! Ang aga-agang mang-asar!
"Chill! I'm just kidding!"
"Masaya ako na kahit papaano ay natutuldukan na ang mga masamang nangyari noon. Cloud is also having a good relationship with his father. It's too much to assume things like that. Wala na akong mahihiling pa."
"My instinct is just—"
"Your instinct is what?" hamon ko.
She growled with frustration. "Fine! I just want to let you know that I'm happy for you. Unti-unti nang naaayos ang lahat. You deserve the peace of mind you're having right now."
"I am happy too." I smiled.
Halos kalahating oras din kaming magkausap ni Liana. Kung hindi pa siya nagdadaing na nahihilo ay baka mas tumagal pa kami. Binanggit niya rin na nakausap niya si Jerson. That's the reason why I didn't hear anything from him for the past few days. Hindi pa rin naman ako gan'on kahandang kausapin siya. Maybe after our trip, I'll send him a message. Tama, siguro naman ay handa na akong harapin siya.
"Huge airplane!" Cloud pointed at the plane in front of us. The sun is not yet rising, but his energy level is very high. Buhat siya ni Clinton ngayon at papaakyat na kami sa eroplano.
"Welcome aboard!" The tall and young flight attendant greeted with enthusiasm.
Dahil nauuna si Clinton maglakad ay napansin ko ang pagkaiwan ng mata ng babae sa kanya. Napairap ako. Even he is carrying his son, he is still a chick magnet.
I sat on the window side. Napapagitnaan namin si Cloud sa pangtatluhang upuan. Masayang masaya siya habang nasa ere kami samantalang si Clinton ay halos hindi na gumalaw sa kinauupuan niya. He's still afraid of heights, huh? May mga hindi pala nagbago sa kanya.
"Are you... okay? I asked. Feeling a little awkward because of what happened last night.
He nodded. "I can manage."
I'm not satisfied with his answer. He was sweating bullets even though the plane is in full air-condition. Gusto ko sanang tawagin ang flight attendant na dumaan para makahingi ng maiinom kaya lang ay binawi ko agad ang kamay ko nang makita na siya yung babae kanina sa pinto ng eroplano.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomansaClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...