Perfect
Habang nakahiga sa kama ay patuloy kong tinititigan ang singsing na nasa daliri ko. Kung hindi ko lang alam na heirloom ring ito ay iisipin kong pinasadya itong gawin dahil tugmang tugma ang sukat nito sa aking daliri.
Parang kinukurot naman ang puso ko tuwing naaalala na may parte sa akin na niloloko Clinton. Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na palabas lang ang lahat ng ito? Maiintindihan kaya niya ang dahilan ng mga magulang niya? Mapapatawad niya pa kaya kami? Yan ang mga tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa akin. Kung hindi ko lang nakitaan si tita Gwen ng kawalan ng pag-asa para sa anak ay hindi ko itutuloy ang kalokohang ito.
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising dahil hindi ako pinatulog ng aking konsensiya. Pumunta ako sa kwarto nila mommy at daddy upang ibahagi ang saloobin ngunit tanging si mommy lang ang naabutan ko.
"Tinanghali ka yata anak. Kumain ka muna ng agahan pagkatapos ay didiretso na tayo sa hotel." Nakangiting sabi sa akin ni mommy habang nakaupo sa harap ng salamin.
"Mom sigurado na ba talaga tayo dito? May pagkakataon pa para umatras." Diretsong sagot ko na ikinabigla niya.
"Claudia napag-usapan na natin ito hindi ba? Kinausap ka na rin ng tita mo tungkol dito." Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa sinabi ko.
"I feel so guilty. Pinagmumukha nating tanga si Clinton mom. Niloloko natin siya."
"Lahat ay settled na kaya hindi na pwedeng umatras pa. Kung tutuusin maliit na pakiusap lang ito ng mga Del Valle kumpara sa ibibigay nilang kapalit para sa kompanya natin"
Dahil sa sinabi ni mommy ay mas lalo akong nawalan ng pag-asa na maituwid ang mga maling nangyayari. Kung buo na ang loob niya tungkol dito ay sigurado akong mas buo ang loob ni daddy para masalba ang kompanya. At the end of the day it is all about the company.
"Kung hindi sinagip ng mga Del Valle ang kompanya natin daan-daang inosenteng tao ang biglang mawawalan ng hanapbuhay. Sa palagay mo ba lahat sila ay makakakuha agad ng kapalit na trabaho? Hindi lang ito tungkol sa atin Claud. Nakasalalay dito ang kapalaran ng mga taong nasa paligid mo."
Natahimik ako dahil may punto ang sinabi niya. Hindi lang pala ito tungkol sa kompanya. Tungkol ito sa mga taong nakaasa at patuloy na umaasa dito. Kahit na may parte sa akin na nakokonsensiya ay hindi na nga talaga pwedeng umatras pa.
Pagkatapos ng maikling argumento namin ay dumiretso na ako sa baba para mag-agahan. Mamayang gabi na ang engagement party. Nakakalungkot lang dahil ito ang unang pagkakataon na makakaranas ako ng mga ganitong bagay kaya lang ay hindi sa taong mahal ko at mahal ako.
Noong tanghali ay nagtungo na kami sa hotel. Naroon na ang mga Del Valle ngunit hindi ko napansin si Clinton. Sinalubong ako ng yakap ni tita sa lobby.
"Good to see you Claud." Ngiti niya sabay hawak sa dalawa kong kamay. Napukaw ang atensyon niya sa singsing na nakasuot sa akin.
"This is our heirloom ring!" Gulat niyang deklara na para bang siguradong sigurado. Mas inilapit niya ang kamay ko sa mukha niya na para bang pinag-aaralan itong mabuti.
"How come Claud? Paano ito napunta sa iyo?" Kunot-noo ngunit may bahid ng galak niyang tanong.
"Clinton gave it to me tita. Kagabi po after ng dinner." Nahihiya kong sagot sa kanya.
"This plan is working Claud! Hindi ko inaakala na ibibigay niya sayo ang singsing. Noong bata pa lang si Clinton ay ibinigay na namin sa kanya yan. Ipinaliwanag namin kung gaano ito kahalaga sa pamilya namin." Hindi pa rin mawala ang pagkamangha sa ekspresyon niya.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
Любовные романыClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...