Bright Idea
Ilang araw pa lang mula noong bumalik ay sumabak na agad ako sa kompanya. Suot ang blush pink pencil skirt na tenernohan ko ng puting flare sleeve top, naka-taas noo akong ngumiti sa mga bumabati sa akin.
Bukod kasi sa madalas akong dalhin ni Daddy dito noon ay mabilis ding kumalat ang balita na ako ang mamumuno rito pagdating ng araw, kaya hindi na nakapagtataka na kilala ako rito. Maraming mukha ang bago sa panginin ko, mangilan-ngilan naman dito ay tiyak kong matagal na dahil pamilyar na sa akin.
Dumiretso ako sa pinakataas na palapag, naroon kasi ang opisinang ipinahanda para mismo sa akin. Sinalubong ako ni Daddy nang may malaking ngiti. Maligayang-maligaya dahil natutupad na ang gusto niya.
"Claud I want you to meet Erin, your secretary," sabay lahad niya sa babaeng kasama.
Nahihiyang yumuko si Erin. Sa palagay ko ay mas bata lang siya ng ilang taon sa akin. Hindi ko maipagkakaila na maganda siya, bumagay sa malaki at bilog niyang mata ang mahahabang pilikmata, kahit na hindi gaanong matangos ang ilong at hindi kaputian ay nadadala niya ng maayos ang sarili niya.
Ngumiti ako at iniabot ang kamay sa kanya. "Nice to meet you Erin."
Napaawang ang labi niya, tila nagulat na naglahad ng kamay ang magiging boss niya. Ilang segundo pa ang lumipas bao niya abutin ang kamay ko.
She smiled. "I will surely do my best Miss Claudia."
After the short introduction, I go straight to the office. I was surprised because it is much better than what I expected. Inilibot ko ang mata ko at natanto na masyado siyang malaki para sa isang tao.
I want a clear and organize workspace that's why I chose a minimalistic design. I like how the basic desk compliments with the light grey floor. It also suits the warm wood shelving that covers an entire wall. Overall, it looks like an office full of luxurious elegance.
Erin has her place outside my office, kaya hindi na ako mahihirapan pa kapag may kailangang ipagawa sa kanya.
Dahil may karanasan na sa ganitong gawain ay hindi na ako masyadong nangapa sa pagtatrabaho.
Wala akong ibang ginawa sa buong umaga na 'yon kung hindi suriin ang mga files at reports. Sinusubukan kong hanapin kung saan o alin ba ang mali at bakit may nagcollapse na dalawang ongoing projects.
Bago ako bumaba sa cafeteria para mananghalian ay dumaan muna ako sa opisina ni Daddy. Naabutan ko roon si Tito George na nakaupo sa leather office furniture sofa.
Ibinaba niya ang tasa ng mainit na kape bago bumati sa akin. "Good morning hija."
I force a smile, hindi pa rin matanggap na ipinagkakanulo nila ako sa anak niya. "Good morning Sir."
He laughs at me, para bang may mali sa sinabi ko. "Drop the 'sir' Claud, just call me tito," aniya.
"Anytime soon ay papasok din dito ang fiance mo. Siya ang mamamahala sa pagbisita ng mga site na kailangang daluhan," sabat ni daddy na ngayon ay abala sa pagpirma sa mga papeles na hawak.
"Mas maganda na ngayon pa lang ay nagkikita at nagkakasalamuha na kayo," dagdag pa niya.
"Ilang linggo mula ngayon ay aasikasuhin na natin ang merging ng Ramirez Empire at Del Valle Construction Corporation." Sinulyapan niya ako kahit na nasa papel pa rin ang mga kamay. "Kaya dapat ay mapag-usapan na natin ang nalalapit na kasalan."
Hindi ako kumibo, halata namang planado na nila ang lahat kaya bakit ako magsasayang ng oras at lakas para makipagtalo. Kahit na may sama ng loob sa dalawang lalaking kaharap ay magalang pa rin akong nagpaalam sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...