Kabanata 20

198 53 8
                                    

Liar

Inimbitahan namin ang tatlo na saluhan kami sa hapunan na agad naman nilang pinaunlakan. Sakay ng golf cart ay makasunod kaming nakarating sa beach club na nauna na naming pina-reserve. Panay ang puri ng tatlo sa amin ni Clinton dahil pu-pwede daw kaming magmodelo.

"Wanna give it a try?" Kanina pa ako inaalok ni Rio na sumubok sa pagmomodelo.

"Sounds interesting pero wala akong oras sa mga ganyan. Masyado akong occupied sa kompanya." 

"Ikaw Clinton? Unang tingin ko pa lang sayo ay alam kong over qualified ka na." Si Lily naman ngayon.

Iling at ngiti lang ang isinagot ni Clinton. Tama si Lily dahil kapag hindi mo kilala si Clinton ay mapagkakamalan talaga siyang modelo.

"Kung hindi lang binanggit sa amin ng daddy mo na arranged marriage ito ay aakalain ko talagang magboyfriend at girlfriend kayo." Biglang pag-iiba ni Rio ng usapan habang marahang hinihiwa ang inorder niyang steak.

"Parang bagong magjowa lang kaya nagkakahiyaan pa." Dagdag naman ni Liam na akala ko noong una ay tatahimik-tahimik lang.

Patapos na kaming kumain noong napahinto si Clinton dahil sa pagtunog ng cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Dahil magkatabi kami ay di ko sinasadyang makita ang pangalan ng tumatawag. Hazel? Sino naman kaya si Hazel? Hindi ko naitanong sa kanya ang pangalan ng ex niya na nagpunta sa party noong nakaraan. Ayaw ko namang mag-isip ng masama kaya ipinagsawalang-kibo ko na lang.

"Excuse me, I need to pick up this call." Pagpapaalam niya sa amin sabay turo sa cellphone niya na patuloy pa rin sa pagtunog. Tumango lang kami at nagpatuloy sa pagkukwentuhan.

"Bukas ay maaga tayo dahil sa ilalim tayo ng dagat magsho-shoot." Nabaling ang atensyon ko kay Rio. Marami akong nakikita na prenuptial sa mga beach pero bihira ang sa ilalim ng dagat kaya na-excite ako.

"Talaga? Mabuti na lang at marami akong dinalang swimsuit!" Maligaya kong tugon sa kanya.

"Marunong ka bang lumangoy?" Singit ni Liam na umiinom ng mango shake ngayon.

"Marunong pero h-hindi m-magaling." Pag-amin ko sa kanila kaya sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Ang magiging huling shoot natin ay sa yate. So magdala ka na ng maraming damit bukas. Dahil masasayang ang oras natin kung pabalik-balik tayo sa casita." Si Lily naman ngayon ang nagsasalita na kumakain na ng dessert.

"By the way, tomorrow is our final shoot. Sa Manila na kami mag-eedit dahil nakapila ang ilang ikakasal na artista kaya mauuna kaming umuwi sa inyo."

"Nako masyado palang hectic ang schedule niyo ngayon. Mabuti na lang at napaunlakan niyo kami."

"Summer kasi ngayon kaya marami talagang nagpapakasal lalo na dahil maganda palagi ang panahon. Nakiusap ang daddy mo sa amin kaya kahit maraming schedule ay hindi namin mahindian." Nakangiting sabi ni Rio.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta sa comfort room. Papasok na sana ako noong natanaw ko si Clinton mula sa nadaanang bukas na glass door.

"Akala ko ba malinaw na sayo?"

"Wala nga ako sa Manila!"

"Pag-uwi ko mag-uusap tayo."

Hindi ko sinasadyang marinig ang pakikipagtalo niya sa kausap. Dahil ayaw ko namang maki-usisa ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pabalik na ako sa table noong nakasabay ko si Clinton na kakapasok lang ngayon. Tapos na yata siya sa pakikipag-usap.

"Tapos ka na?" Pagkumpirma ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Yes. Tungkol lang sa trabaho kaya kailangan kong sagutin." May malaking parte sa akin na nagsasabi na hindi ito tungkol sa trabaho. Alam ng lahat na nasa Amanpulo kami para sa prenuptial shoot at inabisuhan rin sila ni daddy na magiging maikling bakasyon namin ito kaya imposible na mayroong tatawag mula sa trabaho. Ayaw kong isiping nagsisinungaling siya sa akin dahil wala naman akong nakikitang dahilan para magsinungaling siya.

"Last day na pala ng shoot tomorrow. Baka buong araw iyon kaya kailangan nating makapagpahinga ng maaga." Paglilihis ko sa usapan.

Nagpaalam kami sa tatlo na babalik na sa casita para makapagpahinga. Pag-uwi namin ay naligo lang ako saglit at dumiretso na sa kama. Katulad kagabi ay inilagay ko sa couch ang dalawang unan at kumot para kay Clinton. Nasa bathroom siya noong tumunog ulit ang cellphone niya na nakapatong sa table. Katulad kanina ay Hazel ulit ang nakarehistrong pangalan ng tumatawag.

Dahil sa pagiging kuryoso ay kinuha ko agad ang cellphone ko at itinipa ang pangalan na nakita sa isang social media account ko. Marami ang lumabas na resulta ngunit isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Hazel Kianna Villanueva, nanginginig kong pinindot ang profile nito dahil masama na ang kutob ko. Agad kong nakompirma na ito ang babaeng kahalikan ni Clinton noong engagement party namin!

Nagpupuyos ako sa galit noong lumabas si Clinton mula sa bathroom. Nagpanggap ako na may ginagawa sa cellphone ko kahit ang totoo ay wala. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagsinungaling siya sa akin.

"Kanina pa may tumatawag." Pinipilit kong hindi ipahalata ang galit na nararamdaman. Agad niya namang dinampot ang cellphone na ngayon ay hindi na tumutunog."

Hinahaan ko siyang magtipa ng mensahe bago ako magsalita.

"From work again?" Diretsong titig ko sa kanya, hinuhuli kung dadagdagan pa ang kasinungalingan niya. May maliit na bahagi sa akin na nakikiusap at umaasa na sana sa pagkakataong ito ay hindi na siya magsinungaling ngunit nabigo ako.

"Yes. U-urgent k-kasi."

"Liar." Napapaos kong sagot sa kanya. Napaawang ang bibig niya at tila nagulat na alam ko ang kalokohang itinatago niya. Akma siyang lalapit sa akin ngunit hindi ko iyon pinahintulutan at dali-daling tumayo mula sa kama.

"Let me explain Claud." Sinundan niya ako at agad na hinawakan ang siko. Dahil sa labis na galit ay tinabig ko ang kamay niya.

"Fine Claud. Sorry nagsinungaling ako." Itinaas niya sa ere ang dalawang kamay bilang pagpapakita ng pagsuko.

"Hazel is my ex. Gusto niyang makipagkita sa akin para makipag-usap." Pagpapatuloy niya.

"I told her na wala ako sa Manila at hindi na kami pwedeng magkita dahil ikakasal na ako pero mapilit siya. Nangako ako sa kanya na pag-uwi ko ay mag-uusap kami para matapos na." Kabadong pagpapaliwanag niya.

Kahit na nagpaliwanag siya ay hindi man lang nabawasan ng kahit na kaunti ang sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ako sumagot. Blankong tingin lang ang iginawad ko sa kanya.

"Claud, I'm sorry." Habol niya sa akin dahil akma akong lalabas patungo sa sala.

"Kausapin mo naman ako." Pagsusumamo niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"Claud." Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang braso ko at inilapit niya ako sa kanya.

"Kahit saang anggulo ko tingnan hindi ko maintindihan kung bakit nagsinungaling ka!" Isa sa pinaka-inaayawan kong katangian ng tao ay ang pagiging sinungaling. Para itong anay na unti-unting sumisira sa relasyon at tiwala ng tao.

"Ayoko lang na bigyan ka ng dahilan para mag-isip ng masama Claud. I'm trying. Sinusubukan kong panindigan ang kung anong meron tayo."

"Pwes mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para mag-isip ng masama! Sinusubukan ko rin Clinton pero nahihirapan din ako!" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang silakbo ng damdamin. Unti-unti akong yumuko dahil nararamdaman ko na ang mga luhang nagbabadya.

Itinaas niya ang baba ko gamit ang isang kamay upang magpantay ang paningin namin.

"I'm sorry Claud. Please wag ka nang umiyak. Hindi na ito mauulit. Pangako." Parang may humaplos sa puso ko sa paraan ng pagkakabigkas ng mga salitang binitiwan. Bakas ang pagsisisi sa mga mata niyang direktang nakatitig sa akin. Marahan niya akong niyakap at hinaplos ang likod. Parang bata na pinapakalma dahil inaway ng kalaro.

Hindi ko alam na posible palang maramdaman ng magkasabay ang sakit at saya.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon