Kabanata 9

187 54 13
                                    

Agreement

Nalinawan ako na hindi galing sa kanya ang mga bulaklak noong diretsahan ko siyang tinanong tungkol dito.

"So hindi galing sayo ang bulaklak sa table ko kahapon?"

"Bakit naman kita bibigyan ng bulaklak?" Tanong niya.

"Akala ko kasi —" hindi ko pa tapos ang sasabihin ay sumabat na siya.

"Hindi ko ugaling magbigay ng bulaklak sa babae. Babae ang nagbibigay sa akin ng bulaklak," mayabang niyang pagpapahayag.

Napakahangin naman ng isang to. Napakaraming sinabi samantalang nagtatanong lang naman ako.

Sabay kaming naglakad papasok sa opisina. Pagdaan namin ay sabay-sabay naglingunan ang mga tao na nasundan agad ng pagbubulungan. Akala ko ay pagbubukasan ako ng glass door ni Clinton ngunit nagkamali ako. Dire-diretso ang pagpasok niya kaya nasaraduhan ako ng pinto.

"Napaka-gentleman naman ng lalaking ito," sarkastiko kong bulong bago tuluyang pumasok.

Tumutok ako sa pagrereview ng mga documents buong umaga. Nakompirma ko na may mga anumalyang nangyari kaya bumagsak ang dalawang itinatayong building. Kailangan ko na lang alamin kung sino ang nasa likod nito.

Patayo na sana ako para pumunta sa opisina ni daddy kaya lamang ay pumasok si Erin na may dalang bulaklak. Kung kahapon ay pink tulips ngayon naman ay bouquet ng red roses ang hawak niya. Naagaw ang atensyon ni Clinton kaya napabaling siya sa gawi namin.

"Napaka-sweet naman po ni sir Clinton. Kahit magkasama kayo ay nagpapadala araw-araw ng flowers," kinikilig na sabi ni Erin habang inaabot sa akin ang bulaklak.

Napansin kong kumunot ang noo ni Clinton noong narinig niya ito. Katulad kahapon ay walang kahit na anong letter o palatandaan kung kanino ito galing.

"Hindi mo ba naitanong sa nagdeliver kung kanino ito galing?"

Tinakpan niya ang bibig niya gamit ang isang kamay na para bang gulat na gulat. "Hindi po ba ito galing kay sir?" Sabay baling niya sa gawi ni Clinton na sa kasalukuyang nakatingin at nakikinig sa usapan namin.

"Hindi raw sa kanya galing ang mga bulaklak. Next time ay tanungin mo kung kanino galing para makapagpasalamat naman ako," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Opo Miss Claud. Huwag po kayong mag-alala. Aalamin natin kung sino ang secret admirer ninyo," pagbibiro niya pa.

Lumabas din agad si Erin pagkahatid ng mga bulaklak. Nanatiling nakatingin si Clinton sa gawi ko na tila ba nag-iisip ng malalim.

Tumayo siya bago nagsalita. "Hindi magandang tingnan na may fiance ka pagkatapos ay tumatanggap ka pa ng bulaklak mula sa iba," seryoso niyang sambit bago tuluyang lumabas ng opisina.

"Anong nangyari dun?"

Nagpahatid na lang ako ng lunch dahil sa dami ng mga kailangang basahin at pirmahang papeles. Tapos na ang oras ng tanghalian ngunit hindi pa rin bumabalik si Clinton.

Tumawag si daddy mula sa intercom kaya inihinto ko ang ginagawa. Inutusan niya akong pumunta sa site ng isang project para ihatid kay Clinton ang ilang dokumento. Dahil ang utos ay mula kay daddy hindi na ako nakatanggi kahit na marami pang kailangang tapusin.

Dumaan muna ako sa comfort room para tingnan ang sarili. Maayos naman ang suot kong red chiffon blouse na tinernohan ng black trouser at black three strap pumps. Pagkatapos tignan ang damit ay naglagay ako ng loose powder at kaunting lipstick bago tuluyang bumaba.

Dahil malapit lang ang site na tinutukoy ni daddy hindi naging mahaba ang oras ng byahe ko. Tirik pa ang araw noong bumaba ako sa sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na bibisita ako sa site kaya nasasabik ako. Mula sa labas ay tanaw ko kung gaano kalaki at kataas ang itinatayong bagong condominium.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon