Sagada
Hindi kami gaanong nagtagal sa Mt. Kiltepan pagkatapos ng ilang picture taking ay nagpasya rin kaming lumisan.
"Sabay-sabay tayong manananghalian mamaya, may bilihan na rin ng souvenirs sa kakainan natin kaya pwede kayong mamili." Nilingon kami ni Kuya Denver habang naglalakas. "Pagkatapos noon ay nakadepende na sa inyo kung sasama pa kayo sa isa pang pupuntahan o magpapahinga na lang dahil byahe niyo na bukas ng madaling araw," dagdag niya pa habang nakatingin pa rin sa amin ni Clinton.
Kinalabit ako ni Johanna na nakasunod sa likod namin. "Bakit ang bilis niyong bumalik sis?" kunot-noong tanong niya.
Nilingon ko siya saglit ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. "I would love to stay longer pero marami pa kasi kaming naiwan na trabaho."
"I can extend our stay here, we can go back to Manila anytime you want," maagap na sagot ni Clinton na nakikinig pala sa usapan namin.
Umiling ako. Extending our stay here is like prolonging my agony. Kahit na gustong-gusto ko pang manatili ay hindi na kinakaya ng aking konsensiya.
Sinundot ni Johanna ang tagiliran ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Yun naman pala e! Marami pa kayong hindi napupuntahan kaya I suggest na mag-stay pa kayo!"
"I can come back here anytime." I gave him a half-smile.
"Sayang naman, malamig pa naman dito, ayaw mo bang sulitin yung bakasyon niyo ng jowawit mo?" He laughed and then winked at me.
Nilingon ko ulit siya at pinandilatan ng mata.
"Shut up," I mouthed.
Clinton snaked his arms around my waist. "We're already married," he corrected.
Nasulyapan ko ang pamimilog ng bibig ni Johanna. Siya na lang yata ang hindi nakakaalam dahil siya lang itong gulat na gulat.
"O my God! Congratulations!" He cheerfully said while clapping his hands.
Sa buong oras ng pagbaba namin mula sa Mt. Kiltepan ay wala siyang ibang ginawa kung hindi puriin kami ni Clinton. Bagay na bagay daw kami at magni-ninang daw siya kapag nagka-anak na kami. Natatawa na lang naming inilingan ito ni Clinton.
Nang makarating kami sa van ay panay naman ang kantyaw niya na i-kwento namin kung paano raw kami nagkakilala. Nakikisawsaw naman ang iba naming kasama, yung isa nga ay nagkuwento na ng sa kanila ng boyfriend niya kaya pagkakataon naman daw namin ngayon.
"Nakakatampo naman! Mauuna na nga kayong umalis bukas tapos 'di niyo pa kami pinagbibigyan," sabi ni Johanna habang pinagtatama ang dalawang hintuturo niya. "Parang wala naman tayong pinagsamahan," dagdag niya pa.
"Kaya nga! Ganyan yan!" gatong naman ni Kyla na nagpakilala ng pangalan kanina.
Humarap si Johanna sa amin dahil nasa unahan siya. Nakahawak siya sa backrest ng upuan dahil nagpapatuloy pa rin ang mabilis na andar ng sasakyan. "Pero seriously, the first time that I saw you, naisip ko talaga na ito 'yong mga mayayaman na pinagkasundo ng magulang para magkapakasal." He laughed with so much humor.
Pati tuloy ang mga tao sa likod namin ay tawa rin nang tawa.
Nang makabawi si Kyla ay nagsalita siya. "I agree with you!" Akma pa sana siyang tatayo para makipag-apir kay Johanna kaya lang ay pinigilan siya ng boyfriend niya. "To be honest, 'yan din talaga una kong naisip noong nakita ko sila."
Parang napako ako sa kinauupuan, mayroon ba talaga kaming ganoong awra?
"Tigilan niyo na 'yan, baka hindi na komportable yung dalawa," sita naman ng mag-asawa na nakaupo sa pinakalikuran ng van.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...