Intently
Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop. Masyado pang maaga kung di-diretso ako sa opisina kaya naisipan kong dumaan muna rito. Pagpasok pa lang ay nanuot na sa ilong ko ang maaromang amoy ng kape. Kakaunti pa lang ang tao kaya marami pang bakanteng upuan.
"Good morning!" the young-looking barista greeted cheerfully.
Ngumiti ako sa kanya bago tumingala sa menu.
"I would like to have a not so hot chocolate... and a slice of red velvet cake."
Until now, I'm still not into coffee.
Pagkatapos magbayad ay dumiretso na ako sa upuan na nakapwesto sa tabi ng glass wall. Tanaw ko mula rito ang matayog na building ng kompanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong bumuo at nagpalago nito ay wala na.
It was a cold morning in America when I received a call from my brother.
"Claud," bungad sa akin ng kapatid mula sa kabilang linya.
"What's with your tone? Nag-away na naman ba kayo ni —"
"Wala na si Daddy..."
"What the hell? Isa na naman ba 'to sa mga prank mo? Ang aga-aga! Hindi magandang biro 'yan!" I blurted.
Namayani sa kabilang linya ang nakakabinging katahimikan. Doon ko na naramdaman ang pangangatog ng binti ko kaya napaupo ako sa kama habang mariing nakahawak sa dibdib.
I could feel a cold sweat passing all over my body when I heard sobs on the other line.
He's joking. This is not happening. Hindi ito totoo! Hindi ito pwedeng mangyari!
"A police officer called us..." his voice cracked.
Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa dibdib. Pakiramdam ko anumang oras ay babawian ako ng malay.
"No! No! Sabihin mong hindi ito totoo! Kuya! Hindi ba pupunta pa si Daddy dito para dalawin kami ng anak ko? You're lying! Where's Mommy? Ibigay mo ang cellphone sa kanya! Siya ang kakausapin ko!"
He paused for a few seconds. "She's unconscious right now, Claud..."
My tears started to flow like a river down on my cheeks as I leaned back to my bed's headrest. I didn't even have the strength to wipe it away.
This is just a bad dream. Paulit-ulit kong bulong sa sarili. This can't be. The thought of losing the first man that I loved is just making me insane! Kakatawag ko lang sa kanya kagabi at sabi niya'y dadalaw siya rito sa susunod na buwan kaya imposibleng totoo ang balitang ito!
I shook my head in disbelief. "I will call him to prove to you that it's not true! Tatawagan ko —"
"Cardiac arrest, Claud. He was found dead on his car."
My jaw dropped. Twinges of sorrow clouded my heart. He died in his car? The strongest man that I looked up to died alone... and helplessly in his car?
Tears immediately blinded my eyes. Naibagsak ko ang cellphone dahil sa labis na panghihina.
I never got to tell him that I loved him one last time. Hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon. Hindi ko man lang napagmasdan ang mukha ng unang lalaking nagmahal sa akin. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na naiintindihan ko ang ginawa niya noon at matagal ko na siyang pinatawad.
Every memory that we've shared played like a sad song in my head. Kung papaano niya ako pinapatahan noon. Kung papaano niya ako kinakampihan kapag nag-aaway kami ni Kuya. Kung paano niya ako ipagmalaki sa mga kaibigan at kakilala niya. Gusto kong sumigaw at magwala. Gusto kong tanungin ang Diyos, bakit si Daddy pa?
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...