Birthday
Nanatili kami sa bagong bahay buong araw ng Sabado. Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit namin samantalang si Clinton naman ay nanatili sa kwarto para umpisahan ang mga naiwan niyang trabaho.
I am planning to confess today or tomorrow, basta ipinangako ko hindi na aabot sa paparating na linggo. Humahanap lang ako ng tamang tiyempo, gusto ko muna kasing tawagan sila Daddy at sila Tita para ipaalam sa kanila ang magiging pag-amin ko. Gusto kong sama-sama naming itama ang kasinungalingan inumpisahan. Baka kasi nang sa ganon ay mapagaan namin ang sakit na magiging dulot nito kay Clinton.
Kakababa ko lang sa tawag ni Liana dahil nagpatulong ako sa pagluto ng tanghalian. Bago sa akin ang mga gawaing ganito kaya hindi pa ako masyadong maalam.
"You know how to cook?"
Napatalon ako nang magsalita si Clinton mula sa likod. Masyado akong abala sa pag-iisip sa susunod na sangkap na ilalagay para sa kaldereta kaya hindi ko na namalayan ang presensiya niya.
"I do not... know how," nahihiyang pag-amin ko bago ibinalik ang atensyon sa nakasalang na pagkain.
Niyakap niya ako patalikod. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko.
"You must start to learn, kung hindi ay magugutom tayo," he whispered.
The responsibility of being a wife is now sinking in. Kailangan pala ay marunong sa mga ganitong gawain para maasikaso ang asawa. I think there are plenty of tutorials regarding these things. Siguro naman ay makakatulong 'yon ng malaki sa akin.
I can learn to cook by watching video tutorials. That's right!
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. I shifted my weight to face him.
"Anong paborito mong pagkain? Pag-aaralan kong lutuin!" I said with enthusiasm.
He chuckled and shook his head. "Hindi mo mapag-aaralang lutuin, Claud."
Kumunot ang noo ko. Madalas naman sa mga recipe ngayon ay natatagpuan na sa YouTube kaya bakit naman hindi ko mapag-aaralang lutuin.
"I can ask Liana, or maybe I can hire a private chef who can teach me."
He bursted into laughter. Pakiramdam ko tuloy ay wala siyang bilib sa kakayahan ko at sa determinasyong kong matuto.
Tumalikod ako sa kanya dahil sa pagkapahiya. Itinuon ko ang atensyon sa niluluto ngunit naramdaman ko ulit ang yakap niya mula sa likod.
His shoulders twitched with suppressed laughter. "Hindi mo mapag-aaralan... kasi hindi mo naman na kailangang lutuin pa ang sarili mo. Hindi ka pagkain... pero ikaw ang paborito kong kainin."
Nag-init ang buong mukha ko nang matanto ang sinasabi niya.
I turned to him. "Nakita mo 'tong niluluto ko? Mainit 'to, gusto mo ibuhos ko sa'yo?"
He stepped back with a grinning face.
Tinikman ko ang niluluto ngunit hindi ako sigurado kung dapat ba ganito ang kalalabasan ng lasa.
"Can you taste this? I'm not sure if I did it correctly. I just followed Liana's instructions."
Lumapit agad si Clinton. Mainit pa ang sabaw kaya mahina kong hinipan bago inabot sa kanya.
I waited for his reaction, but his face didn't ever change!
"How was it?" kinakabahan kong tanong. Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya para matikman ko ulit ang sabaw.
His lips curved into a smile.
"Not bad for a beginner," he said while tapping my head.
Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman dahil kung hindi ay baka mauwi lang kami sa pizza ngayon lunch.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomansaClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...