Dizzy
Nakasakay kami sa jeep papunta sa una naming pupuntahan ngayong araw. Sampu lang kami sa loob kaya marami pa ring natitirang espasyo na pwede pang upuan. Katabi ko si Clinton na kahit walang ginagawa ay agaw pansin sa mga kababaihan.
Pinagsisisihan ko tuloy ang suhestiyon sa kanya na isuot ang black windbreaker long coat, nakakainis dahil mas lalo siyang nagmukhang artista.
Umaambon pa rin kaya kahit makapal ang suot kong korean woolen winter coat ay nararamdaman ko pa rin ang kaunting lamig.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin, mayroong young couple na nakaupo sa bandang unahan, nasabi ko agad na couple sila dahil nakasuot sila ng matchy t-shirts. Ang isa namang ay mukhang mag-asawa, nakaupo sila bandang hulihan ng jeep, katapat ang lalaki na mukhang mag-isa lang. Nakaupo naman sa katapat naming upuan ang tatlong babae na sa palagay ko ay magkakaibigan.
Abala ang lima sa pagsilip sa bintana para makita ang magagandang tanawin na nadadaanan namin samantalang itong tatlong babae na nakaupo sa harap ay panay ang titig kay Clinton na para bang kanina pa nila pinagpapantasyahan.
"What's wrong?" tanong ni Clinton nang mapansin na kanina pa nakakunot ang noo ko.
"Wrong? 'Yang kagwapuhan mo ang wrong! Ang daming umaaligid sa'yo! Pakiramdam ko, kapag nalingat ako saglit ay hahablutin ka na ng iba," kahit 'yan ang nasa isip ko ay hindi ko na isinatinig.
Minasahe ko gamit ang kaliwang kamay ang aking sentido. "Medyo nahihilo lang, I think it's because of the curvy road," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nahihilo.
He grinned at me. "Wala pa ngang nangyayari sa atin tapos buntis ka na?"
Mahina kong pinalo ang braso niya dahil sa labis na kapilyuhan.
His brooding eyes bore onto me. Tinapik niya ng ilang ulit ang balikat, isenesenyas na sumandal ako.
"Lean on my shoulder," utos niya. Agad ko namang sinunod ito.
I smiled with satisfaction. Kitang-kita ko ang pag-asim ng mukha ng tatlo, lalong-lalo na 'yong maputing nasa gitna. Based on how they look, I can say that they are younger than us, masyado pa kasing pang-teenager ang kilos at pormahan nila. Sila yung tipo ng mga college student na head-turner sa campus, makikinis ang balat, balingkinitan ang katawan at mahihilig mag-ayos ng sarili.
I let out a heavy sigh when I noticed that the girl in the middle intentionally dropped her coin purse. Dahil tutok rin si Clinton sa tanawin sa labas ay hindi niya nakita na sinadya itong bitawan para kuhanin niya.
Dinampot niya ito at iniabot sa kanila, nawala tuloy mula sa balikat niya ang pagkakasandal ng ulo ko. Lampas tainga naman ang ngiti ng babaeng nasa gitna habang kinukuha iyon mula sa palad ni Clinton. Hindi nakatakas sa paningin ko ang marahan at mapang-akit niyang haplos sa kamay ni Clinton bago niya ito tuluyang bitawan.
I rolled my eyes when she tucked her short brown hair behind her ears before saying "thank you" to Clinton.
"This bitch is annoying," I whispered underneath my breath.
It's disappointing that there are so many desperate women today who throw themselves just to get the attention that they want. Mas nakakalungkot pa dahil kahit alam nilang taken na at may masisira silang relasyon o pamilya ay patuloy pa rin ang pag-aligid nila.
Mas madrama kong menasahe ang ulo ko nang bumaling sa akin si Clinton. He glanced at me with his tight and worried eyes.
"Are you okay?" he asked.
I nodded at him.
Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at isinandal ulit sa kanyang balikat. Akala ko pagkatapos ay aalisin niya na ang kamay niya kaya napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang may pwersa ngunit dahan-dahang hilot sa sentido ko.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...