Kabanata 31

138 23 0
                                    

Tease

I woke up too early the following day, may kung anong mabigat kasi na nakadagan sa hita ko kaya nakaramdam ako ng pangangalay.

Sinubukan kong abutin ang digital clock sa bedside table at nakita na alas-kwatro pa lang, ibinaling ko ang kalahati ng katawan sa kabilang bahagi ng kama, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Clinton na mahimbing na natutulog. Sa palagay ko'y nagshower muna siya bago tumabi sa akin dahil bukod sa nakapagpalit na siya ng damit ay umaalingasaw rin ang mabangong amoy ng body wash na gamit niya.

I crouched a little bit, para mas maamoy ang bango na nanggagaling sa katawan niya.

Agad naman akong natauhan at nahiya para sa sarili. Kakagising ko lang, malamang ay magulo pa ang aking buhok mula sa pagkakahiga at hindi rin ako sigurado kung maayos pa ba ang amoy ng hininga ko.

Awtomatikong lumayo ako kay Clinton, itinakip ko ang makapal na puting comforter sa mukha.

Dahan-dahan kong ini-angat ang kanang binti niya na nakatanday sa akin. Kinabahan ako sa bigla niyang paggalaw pero kalaunan ay naalis ko rin ito nang hindi siya nagigising.

Naglakad ako patungo sa bathroom ng nakakinto ang mga paa para hindi makagawa ng anumang ingay. Nagmamadali akong humarap sa salamin at tiningnan ang sarili, may ilang muta pa sa mata ko at may bakat pa rin ng kama sa mukha ko.

"Huwag mong sabihin na kailangan kong gumising ng maaga araw-araw para lang maayos ang itsura ko tuwing gigising si Clinton?" I sighed problematically.

Pumasok sa isip ko ang mga gawain na kadalasang ginagawa ng babae sa isang relasyon. Gigising ng maaga, magluluto ng breakfast, aasikasuhin ang asawa, maglilinis ng bahay, mag-aalaga ng anak. 

"Ng anak? Wow Claud! Kasama talaga 'yan sa iniisip mo?" mahina kong tinampal ang magkabilang pisngi na para bang kapag ginawa ko ito mabubura ang iniisip.

Ngayon ang araw ng alis namin para sa honeymoon. Marami ang umasa na sa Greece, France o Switzerland ang tungo namin pero nagkamali sila.

Well, I don't mind going to those places but I want first to experience and witness the beauty of our own country. Philippines has more to offer, masyado lang nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga banyagang bansa. Nakakatuwa nga dahil parehas kami ng naging opinyon dito ni Clinton kaya walang nakaapila sa naging desisyon namin.

I've been to Baguio for how many times but not in Sagada. Most of the people who've been there said that it offers a relaxing escape from the noisy and crowded city, that's why I'm really excited to experience it.

Mahabang byahe ang naghihintay sa amin kaya alas-sais pa lang ay nakahanda na kami.

Our families sent us off, nakangiti silang kumakaway habang naglalakad kami ni Clinton patungo sa puting van na sasakyan.

"Pag-uwi niyo kailangan may apo na ako!" Tito George yelled at us.

Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nila, pati yata ang ilang nag-aagahan sa patio ng restaurant ng hotel ay nakisabay sa pangangantyaw ng matanda.

Pinilit kong hindi lumingon, ramdam ko ang pag-init ng buong mukha dahil sa labis na kahihiyan.

I gritted my teeth. As far as I remember, hindi napag-usapan sa agreement ang pagbibigay ng apo.

My eyes rolled automatically, naiirita dahil hindi magandang biro iyon lalo na't sila ang may pakana ng kasalang nangyari.

I shifted my weight to face Clinton, titimbangin ko sana ang reaksyon niya sa sinabi ng ama kaya lang mas nainis ako dahil ang laki ng pagkaka-ngisi niya.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon