Coincidence
I went on my usual day at work. Medyo nakakapanibago lang dahil isang linggo rin akong nanatili sa isla. Hinahanap-hanap pa rin ng pakiramdam ko ang mataas na sikat ng araw at maalat na amoy ng dagat.
Parang hinahaplos ang puso ko sa tuwing maaalala ang pagsasabi ni Clinton sa akin sa gagawin niya mamaya. Hindi niya naman kailangang humingi ng pahintulot mula sa akin pero naisip niya na isa-alang-alang ako sa gagawin niyang desisyon. I smiled at that thought. Paunti-unti ay nakikitaan ko siya ng magandang pagbabago. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na.
Pagkatapos naming mag-usap ni Clinton kanina ay hinanap ko agad ang pangalan ni Jerson sa social media account na madalas niyang pag-sendan ng message. Kailangan ko siyang kausapin ng personal para matigil na hindi lang ang pagpapadala niya ng bulaklak, pati na rin ang pag-asa niya.
Hapon na noong nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Siguro ay maraming pasyenteng inaasikaso kaya hindi na napagtuonan ng pansin ang telepono. Nagulat pa yata dahil sa biglaan kong imbitasyon.
Ako na ang namili ng lugar na pagkikitaan naming dalawa. Plano ko munang umuwi sa mansyon dahil medyo matatagalan pa raw siya.
May malaking bahagi sa akin na nakakaramdam ng pagkakonsensiya lalo na't alam kong masasaktan ko siya. Imbis na mag-isip nang mag-isip ay itinuon ko na lang ang atensyon sa mga papeles na kailangang pirmahan.
Ipinatawag ni daddy si Clinton kanina pero nakapagtataka dahil ilang oras na ang lumilipas ay wala pa siya. Dahil hindi makatiis ay hinanap ko ang mga dokumento na kailangang pirmahan ni daddy at saka naglakad papunta sa opisina niya.
Nadatnan ko si daddy na mag-isang nakaupo sa sofa. He smiled at me. Nakakatawang isipin dahil nakatira kami sa iisang bubong at nagtatrabaho sa isang kompanya pero madalang kaming magkita.
I gave him a side hug. Kahit na hindi sila perpekto kailanman ay hindi sila nagkulang sa pagmamahal at pag-aaruga sa amin ng kapatid ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit at pumili ng magulang, sila at sila pa rin ang patuloy na pipiliin ko.
"I miss you dad!"
He chuckled. "It seems you enjoyed the vacation, huh?"
Tinaasan ko siya ng kilay at maarteng inirapan.
"Stop it dad! You're ruining my mood!"
Mas lalo siyang natawa kaya mas nadepina ang mga kulubot sa mukha.
Umupo ako sa espasyong nakalaan malapit sa kanya saka inilapag ang mga papel na hawak sa babasaging lamesa.
"How was it hija?"
Bahagya akong natahimik, hindi alam kung ano ba tinutukoy niya.
"A-Ang a-alin dad?" I awkwardly answered.
He laughed out loud, halos maubo pa dahil sa lakas ng tawa. "Siyempre ang bakasyon ninyo, ano ba ang iniisip mo?" bakas sa tono ng pananalita niya ang panunuya.
"It was fun... Sobrang ganda ng lugar. Sana ay makabalik ulit ako doon."
Biglang nagflash sa isip ko ang paraisong naiwan. Kung ako ang papapiliin ay mas gugustuhin kong manirahan sa probinsya, lalo na sa tabing dagat. Mas pipiliin kong pakinggan ang maingay na hampas ng alon kaysa sa maingay na lansangan ng Maynila.
"Clinton was here a little while ago. Nagpaalam lang na may pupuntahan.
Mabuti naman at nakapili na kayo ng wedding date."Ngayon lang nag-sink in sa akin na ilang linggo na lang bago ang kasal. Bigla tuloy nagbago ang timpla ko. Agad naman itong napansin ni daddy. Mas lumapit siya sa akin at malungkot akong tiningnan.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...