Kabanata 55

268 6 3
                                    

Bouquet

We planned to take a glimpse of the island on the following day. Maaga kaming gumising para makapaghanda, plano kasi naming ilibot si Cloud sa magagandang parte ng isla.

Abala sila Kuya sa paghahanda para bukas. Ang ibang bisita naman ay kung hindi nagpapahinga ay nagpaplano ring subukan ang iba't-ibang activities na narito.

"Are you sure that we can bring Cloud underwater?" I asked after wearing my sunglasses.

Alas nuebe na ng umaga at naglalakad kami patungo sa jet ski na magdadala sa amin papunta snorkeling spot. Napangakuan na ni Clinton ang anak kaya naman natatakot akong mabigo siya kung sakali mang hindi mapahihintulutan.

"Papayagan naman siguro, sa mababa lang naman."

Sinuotan ko muna si Cloud ng maliit na vest. Nasa 'di kalayuan naman si Clinton na kinakausap ang mga guide na makakasama namin. Binalingan niya kami ng tingin habang nagsasalita kaya hula ko'y itinatanong niya kung pupuwede ngang isama si Cloud mamaya.

Napangiti ako nang tumango siya ng isang beses habang papalapit sa amin.

Binuhat niya ang anak at nag-umpisa nang maglakad patungo sa jet ski. I am following them when he stopped walking to hold my hand. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

"Buti pumayag?"

"Pwede naman daw kasi mababaw lang."

Clinton maneuvered the jet ski. Sakay niya ako sa likod at nasa gitna naming dalawa si Cloud. It amazed me at how he smoothly manipulated it. I don't have an idea that he knows how to use this kind of water vehicle. Nakasunod kami sa dalawang lalaki na nakasakay din sa bukod na jet ski.

Katulad nga ng sinabi ng guide, mababaw lang ang snorkeling spot. Tanaw pa mula rito ang dalampasigan na pinanggalingan namin. Hindi rin naman nakapagtataka dahil bukod sa napakalinaw ng asul na tubig ay napakalinis din ng kabuoan ng isla, walang dudang paninirahan ng mga nagagandahang isda.

Pinasuot muna kami ng ilang gear bago pinalusong sa tubig. Nauna akong bumaba para saluhin si Cloud, sumunod naman agad si Clinton pagkatapos patayin ang makina.

My son was shouting with excitement every time he sees a flock of fish in the water. Dahil sa labis na kalinawan ng tubig dagat ay kahit na nakaahon kami kitang-kita pa rin ang mga isda sa ibaba. Iba't-iba ang laki, kulay at uri nito kaya hindi magkandamayaw si Cloud. Panay naman ang kuha ng litrato ni Clinton sa anak. He's capturing every moment using his waterproof GoPro.

"Look, Mommy!" Cloud pointed at the small turtle.

Tiningnan ko rin ang itinuturo niya. Nag-iisa lang ang maliit na pagong at lumalangoy papalayo sa amin.

"Where is it going?" he asked innocently. The seawater is dripping all over his small face but he seems to enjoy it.

I shrugged my shoulders. Hindi rin alam ang isasagot sa anak.

"Maybe he'll try to find his family?"

Ikinampay-kampay niya muna ang kamay niya sa tubig bago inilibot ang tingin sa paligid. Abala pa rin si Clinton sa pagkuha ng litrato o siguro nga ay video dahil kanina pa nakatutok sa amin ang camera.

"Where?"

I chuckled. Kahit kailan ay hindi talaga nauubusan ng tanong si Cloud.

"I don't know but I'm sure that he'll find his way to them."

"Why does he need to be with them?"

Si Clinton naman ang tumawa ngayon. Binuhat niya si Cloud para isampa sa maliit at bilog na salbabida. My son is still wearing his small blue vest and goggles. Nahinto kami saglit sa panunuod sa mga isda dahil sa mga katanungan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon