Kabanata 47

117 4 0
                                    

Planned

My smile slowly faded when I recall Clinton's word. Jerson claimed that Cloud is his son? I need to clarify that issue to him. Alam kong gumawa ng kaunting ingay ang pag-ako niya kay Cloud sa anniversary party pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagkompirma niya kay Hazel nito.

He denied that he knew Hazel. Paano niya kinompirmang anak niya si Cloud kung hindi naman sila magkakilala? This is confusing. Hindi nagtutugma ang mga impormasyon na nalaman ko mula kay Clinton sa mga ikinikilos at sinasabi ni Jerson.

I don't want to believe that Liana's intuition is right. I trust Jerson, but the thing is, I can sense now that something is happening.

Unti-unting naningkit ang mata ko dahil bukod sa mga sinabi ni Clinton kanina nakapagtataka rin kung bakit siya nandito. Liana mentioned that he was with her in the hospital.

"What are you... doing here?" alangang tanong ko nang makalapit siya.

His chinky eyes darted on my back. Pati tuloy ako ay napalingon sa taong nasa likod ko. Clinton was standing there proudly. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Halos hindi sila kumurap sa pakikipagtitigan sa isa't-isa.

I cleared my throat to ease the building tension. Nanatili ang mata ko kay Jerson na nasa akin na rin ang paningin ngayon.

I gave him a small smile. "What are you doing here?" pag-uulit ko sa naignorang tanong kanina.

"I'm just here to..." He glanced at Clinton before looking back at me. "Pick you up."

My forehead creased. "Paano mo naman nalaman na... nandito ako?" I asked even though I already have a hint.

"Liana told me that you are stranded here..." He looked away before he continues. "I got worried so..."

I remember my last conversation with Liana. Nabanggit niya na magkasama kami ni Clinton... baka 'yon ang dahilan kaya nagmadali siyang magpunta rito? No. I don't want to think that way. Baka sadyang nag-alala lang 'yong tao. Pinilit ko itong alisin sa aking isip.

Umiling ako sa kanya. "Thank you for coming here all the way from Manila, but I think—"

"It's fine. Wala rin naman akong trabaho... kaya dumiretso na ako rito."

Humakbang papalapit sa tabi ko si Clinton. Napukol tuloy ang atensyon ko sa kanya.

"I want to hear it from him." I shivered when he whispered in my ear.

Mabilis akong umiling sa gusto niyang mangyari. Ayaw kong gawing komplikado pa ang sitwasyon lalo na't hindi ko pa nakokompirma kay Jerson kung totoo nga ang pagkakalat niya na anak niya si Cloud. Paano kung hindi naman pala talaga? Nararamdaman kong may nangyayaring hindi tama pero ayaw kong mag-conclude hangga't hindi ko ito naririnig mula sa kanya. He's one of my trusted friends. Ayaw kong masira iyon dahil lang sa isang maling akala.

I shifted my weight to face Jerson, who's now watching us with narrowed eyes. Bakas ang iritasyon sa magkasalubong niyang kilay. He's wearing a light blue buttoned down dress shirt and a navy suit pants. Halata na galing pa siya mismo sa trabaho kaya nakapagtataka kung bakit itinanggi niya ito.

Nagtaas ako ng tingin kay Clinton.

"I will talk to him first. Kung gusto mo ay mauna ka na muna pabalik sa Manila."

A wary smile surfaced on his lips.

"I'll wait for you in the parking area."

"You can head first if—"

"Be there in ten minutes," he commanded.

I sighed and nodded at him. Matagal muna siyang nakipaglaban ng titigan kay Jerson bago tuluyang naglakad palayo. Nainip ako sa mabagal niyang paglalakad kaya hinatak ko na si Jerson papasok ulit sa loob.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon