Reasons
Dumaan saglit ang gulat sa mukha niya ngunit agad ding napalitan ng sarkastikong ngisi. Umaayos siya sa pagkakaupo nang hindi inaalis sa akin ang seryosong mga mata.
Mas lumakas ang kalabog ng puso ko. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya ngayon. Did he believe me? Kung oo, bakit ganito ang reaksyon niya? Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"I'm sorry for not—"
"Who are you kidding?"
Napaawang ang bibig ko sa gulat ngunit kalaunan ay nakabawi rin ako. Kailangan kong intindihin na natural lang na maging ganito ang reaksyon niya. Pagkatapos ng ilang taong lumipas, heto ako susulpot at magsasabi na may anak kaming dalawa. Sino ba naman ang tangang maniniwala?
I cleared my throat. "I know that it's surprising, but please hear me out..."
He laughed with no humor. "Hear you out? You want me to hear you out?" sabi niya sa hindi makapaniwalang tono.
I lowered my gaze. "The little boy you found that day... He's our son."
His lips pursed at my last words. Saglit siyang natahimik bago sumandal sa upuan at humalukipkip.
"May problema na naman ba sa kompanya niyo kaya nandito ka para lokohin ulit ako? O baka naman kasabwat mo na naman ang mga magulang ko?"
His cruel words fell like an arrow to my heart. Kahit na alam ko na ginawa ko nga iyon noon iba pa rin pala ang pakiramdam kapag sa kanya mismo ko na naririnig ito ngayon.
"No..." I said in a very small voice.
His jaw clenched. "Then what? What do you need? Kung hindi pakikipagsosyo sa kompanya ang kailangan mo, 'e ano?"
I immediately shook my head.
"I don't need anything from you. Gusto ko lang malaman mo na... nagkaanak tayo..."
My shoulders trembled when he slammed his hand on the table. Halos matapon ang tubig sa baso. Kung kanina ay may bahid pa ng sarkastikong ngiti sa labi niya, ngayon ay wala na.
"Paninindigan mo talaga ang pagiging sinungaling mo?" he fired up.
"I'm not lying."
He grinned. "You're really a good actress, huh? Kaya hindi na rin ako nagtataka na naloko mo ako noon."
I looked away. A little bit guilty about what happened years ago. Totoong niloko ko siya. Inaamin ko iyon pero kalaunan nalaman kong niloloko niya rin ako. We're even, but I can't bring that topic right now. Si Cloud ang pangunahing rason ng pag-uusap namin ngayon. Hindi ito patungkol sa nakaraan namin...
"Akala mo siguro tatalab pa sa akin ang mga kasinungalingan mo. I'm not the old Clinton you know way back then. Hindi na ako basta basta lang naloloko... thanks to you..." he said his last words sarcastically.
I heave a deep sigh. Kailangan kong habaan ang pasensiya ko.
"I'm being honest here. I'm telling you the truth."
"Honest? Who are you to talk about being honest? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo? You fooled me, Claudia. Pinagmukha mo akong tanga noon pagkatapos ngayon ginagawa mo na naman akong tanga!"
Sa sakit at haba ng sinabi niya ay mas napukol ang atensyon ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. After how many years, this is the first time he called me by my name. Hindi ko alam pero saglit akong nakaramdam ng magkahalong saya at lungkot. It feels nostalgic. Him, calling me by my name. Kaya lang ay hindi ito ang oras para isipin pa 'yon. We are in a middle of a heated discussion.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...