Kabanata 1

428 61 59
                                    

Follower

"Claudia Amanda O. Ramirez," tawag ng tagapagpadaloy ng programa sa moving up namin. Ito ang naging hudyat ng pagtayo ko mula sa aking kinauupuan. Agad ding tumayo si mommy at daddy para samahan ako sa pagtanggap ng diploma at pagsabit ng mga medalya.

Habang kinukunan ng litrato ay nasulyapan ko si Kuya Liam na may hawak na bouquet ng paborito kong bulaklak, mas napangiti ako lalo. Madalas kaming hindi nagkakasundo ng kapatid ko dahil sa pagiging mapang-asar niya at pagiging pikunin ko. Gayunpaman hindi pa rin maitatanggi na mahal namin ang isa't isa kahit para kaming aso't pusa.

Ilang oras pa ang lumipas nang tuluyan na ngang natapos ang seremonya. Hiniling ko kay mommy na huwag na masyadong mag-abala dahil alam kong busy sila sa kompanya at Grade 10 pa lang naman ang tinapos ko. Mabuti ba kung nakagraduate na ako sa kolehiyo, pero di sila nagpatinag dahil may inihanda silang surpresa pag-uwi namin sa mansyon.

Mayroong nakaset-up na mahabang lamesa sa gitna ng garden. Naroon ang iba't ibang pagkain na siguro ay ipina-cater pa ni mommy.

Nakaupo na sa kanya-kanyang round table ang ilan sa mga malapit na kamag-anak namin. Mga kapatid ni mommy at daddy kasama ang ilan kong mga pinsan at ilang mga tauhan namin sa mansyon.

Kaliwa't kanan ang bati sa akin, panay ngiti naman at pasasalamat ang itinutugon ko. Ang iba ay nag-aabot pa ng regalo.

Lumapit ako sa isang bukod na lamesa, dito kasi nakalagay ang iba pang mga regalo. Inilapag ko ang malaking regalo na kabibigay lang sa akin.

Lumapit sa akin ang nakatatanda kong pinsan, "Congrats Claud," bati ni Ate Kesha.

I smiled at her, "Thanks Ate Kesh, masyado namang ginalingan nila mommy. Ang sabi ko ay okay na ang simpleng hapunan para sa araw na 'to." Nagkakamot sa ulong paliwanag ko.

"Hayaan mo na baka gusto lang nilang bumawi sayo, alam mo na... hindi ba palagi silang nasa trabaho." Natatawa niyang sagot sa akin. "Tara kain na tayo?" sabay nguso niya sa gawi ng mga pagkain.

"Mauna ka na ate dadaluhan ko muna ang iba pang bisita."

"Sigurado ka?" kunot-noo niyang tanong.

Tumango lang ako at ngumiti bilang pagsang-ayon.

"Mauuna na ako ha, kanina pa talaga ako gutom," nahihiya niyang pag-amin bago tuluyang tumungo sa mahabang lamesa.

Pagkaalis ng pinsan ay lumapit naman ang kapatid ni daddy. "Congrats Claud!" maligayang pagbati ni Tita Summer sa akin sabay abot ng isang paperbag. "Sana magustuhan mo," aniya.

Tinanggap ko naman ang paperbag, natanaw ko sa loob ang isang kahon na may tatak ng isang kilalang brand ng sapatos. "Thanks tita! Nag-abala pa talaga kayo." Mas lumapit ako sa kanya para yumakap

Kumawala siya sa pagkakayakap ko at saka nagsalita. "Ano ka ba! Ilang taon kang naghirap sa pag-aaral kaya maliit na bagay lang yan." Dahil mas matangkad siya ay kinailangan niya pang yumuko para bumulong sa akin.

"Balita ko ikaw daw ang pinaplanong mamamahala sa kompanya ah?" Tanong ni tita sa akin na nagpabago ng timpla ko.

"So far wala pa naman pong sinasabi si daddy kaya hindi ko pa po sigurado." I paused. "And I'm too young to handle the company tita," simpleng sagot ko sa kanya.

"I see but do you have — "

"Wala po tita." Hindi pa natatapos ang tanong ay sumagot na ako. Alam kong itatanong niya kung may interes ako sa kompanya. Alam ko naman na malaki ang posibilidad na sa akin ipasa ang responsibilidad sa kompanya pero hindi ko aakalain na pag-uusapan ito ng ganito kaaga.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon