Kabanata 6

212 58 6
                                    

Sorry

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Ang malinaw na natatandaan ko ay nakita ko si Clinton sa bar na may kasamang babae.

Napatingin ako sa orasan at napagtantong late na sa trabaho.

"Sino ba naman ang matinong makikipag inuman kahit na maaga ang pasok kinabukasan. Wrong move Claud!" sisi ko sa sarili.

Nagmamadali akong naghanap ng masusuot at naligo. Dahil sa paghahabol sa oras ay hindi na ako masyadong nakapag-ayos. Hinayaan ko na lang na bumagsak ang kakapatuyo ko lang na buhok. Isang pahid ng red lipstick at spray ng pabango ay ayos na. Dali-dali akong bumaba ng hagdan dala ang mga gamit ko.

Natanaw ako ni mommy mula sa garden na kumakain ng agahan.

"Hija hindi ka ba kakain? Breakfast ka muna."

"Thanks mom but I'm running late. Sa office na ako kakain mamaya."

Papunta na sana ako sa garahe para kunin ang sasakyan nang sumagi sa isip ko kung paano ako nakauwi kagabi. Hinatid kaya ako ni Liana? Wala akong matandaan na nagmaneho ako kagabi. Bumalik ako sa garden para magtanong kay mommy.

"Mom? Hinatid ba ako ni Liana kagabi?" tanong ko.

"I'm not sure anak. Maaga kaming natulog ng daddy mo kagabi. Bakit may nangyari ba?"

"Wala naman po. Just asking. Gotta go mom. Super late na talaga ako." Nagmamadali akong tumakbo patungo sa sasakyan.

"Ingat anak. See you later. Uuwi ang kuya mo sana ay makapagdinner tayo together!" kahit malayo ay dinig ko ang pagsigaw niya.

Madalang kami magkita ni kuya simula noong umuwi ako. Halos tumira na sa ospital dahil marami ang pasyenteng hindi niya maiwanan.

"Sana maaga akong makauwi," hiling ko kahit na hindi pa nakakapasok.

Thirty minutes na akong late ng makarating sa trabaho. Sobrang nakakahiya dahil ikalawang araw pa lang ay ganito na ang inasal ko. Ano na lang ang iisipin ng mga tao. Porket anak ng may-ari at future CEO ay nagiging abusado. Napailing ako sa sariling iniisip.

Hindi katulad kahapon na taas noo ngayon ay nahihiya akong naglakad sa receiving area. Kahit na hindi mag-isip ng masama ang mga tao dito ay talagang nahihiya ako. Nakahinga lang ako ng maluwag noong nakapasok na sa elevator. Pinindot ko ang numero para sa palapag na kinalalagyan ng office ko.

Tumayo at bumati ang mga tao nang makita nila ako. Ginawaran ko rin sila ng pagbati at magandang ngiti. Hindi ko pa sila lahat nakikilala. Mamaya ay ito ang gagawin namin ni Erin. Kailangan kong makilala ang mga makakasama ko rito.

"Good morning Miss Claud," maligayang bati ni Erin na mas lalong kinahiya ko dahil halatang kanina pa siya dito. Hanggat maaari ay ayokong abusuhin ang kapangyarihan at pwesto ko.

"Good morning Erin."

Papasok na sana ako sa opisina nang lumabas si Clinton mula rito na siyang labis na ikinabigla ko.

"Second day pa lang late ka na agad?" Pang iinsulto niya bago tuluyang naglakad palayo sa akin.

"What's going on here Erin?" Nagtataka kong tanong.

"Sorry Miss Claud. Hindi ko po alam na di pala kayo informed kasi sabi ni Sir Raymark ay alam niyo raw po."

"What? My goodness. So tinuloy ni dad yung plano nila?"

Nahimigan siguro niya ang irita sa boses ko kaya hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Sinubukan ko namang pakalmahin ang sarili.

"O-Opo. Kahapon po pag-alis niyo ay pinaayos agad ang o-opisina. M-Malaki naman po ang opisina kaya kasya kayong dalawa."

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon