Kabanata 34

124 12 0
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes and effects. Read at your own risk.

Sealed

Naabutan namin si Ash na mariing nakapikit habang hinihimas ang balakang at kanang binti niya. Her friends are squatting beside her, hindi sila magkanda-ugaga kung papaano siya aaluhin.

Naaagaw na ng grupo namin ang atensyon ng mga tao sa loob, maraming nakikiusisa ang iba nama'y napapasulyap lang pero nagpapatuloy sa pagsunod sa guide nila.

Marahang hinawakan ni Kuya Denver ang binti ni Ash para suriin ang kondisyon nito. Nagulat naman kaming lahat dahil sa biglang pagsigaw niya.

"Masama yata ang pagkakadulas niya," umiiling na sambit ng isang guide na kasama namin.

"Hindi talaga namin pinapadaanan ang parteng yan," sabi naman noong isa sabay turo sa malapad na bato na basa ng tubig. Mukhang madulas nga.

"Damn! It hurts! Pwede bang mamaya niyo na ipagpatuloy ang pagkukwentuhan dyan?" Kahit namimilipit sa sakit ay nagawa niya pa ring pagtaasan ng kilay ang dalawa.

Sabay silang napatikhim bago nagbaba ng tingin.

The guts of this girl! 

Hindi ko naman hiniling na may mangyaring masama sa kanya pero katulad nga ng sabi nila, what goes around, comes around. Karma slaps her in the face before someone does!

Pinatabi muna kami ni Kuya Denver sa gilid upang makadaan ang ibang nagagambala. Hindi naman kalayuan kaya rinig at kita pa rin namin ang nangyayari sa kanila.

"Pala-decide kasi e. Ilang beses na siyang sinabihan na sa bato lang na inapakan ng guide tumapak, hindi nakinig. Ayan ang napapala," umiiling na bulong ng isa naming kasama.

"Titingnan niyo lang ba ako o bubuhatin niyo ako palabas sa punyetang kweba na 'to?" asik niya pa sa dalawa.

"Matatagalan kapag naghintay pa tayo ng stretcher, a-ayos lang ba kung buhatin ka na lang n-nila?" nag-aalangang tanong ni Kuya Denver sabay turo sa dalawang guide na hanggang ngayon ay nakayuko.

Mula sa kinatauyan namin ay kitang-kita ko ang pag-ismid niya. Inirapan niya ako nang magtama ang paningin namin, agad namang dumapo ang mata niya sa lalaking katabi ko na abala rin sa panunuod sa kanila.

Her mouth slowly curved into a smile, para bang may naiisip na nakakatuwa.

"Hindi ako papayag madapuan ng maruruming kamay ni-hibla ng balat ko," tinapunan niya ng nang-iinsultong tingin ang dalawa. "Maliban na lang kung siya," itinuro niya si Clinton, "ang bubuhat sa akin palabas dito."

"Is she referring to me?" si Clinton na kunot-noong nagbaba ng tingin sa akin.

I let out a heavy sigh. This dumbass girl is getting into my nerves!

Lumapit sa amin si Kuya Denver na nagkakamot ng batok, problemado sa gustong mangyari ng dalaga.

"Sir a-ano k-kasi eh," binalikan niya tingin si Ash na nakasalampak pa rin sa lupa, "a-ayaw niya kasing" Clinton cut him off and surveyed my eyes.

"Is it okay with you Claud?" he asked.

Bumaling naman din agad ng tingin sa akin si Kuya Denver at ang iba pa naming kasama, hinihintay ang magiging isasagot ko.

I managed to fake a smile before nodding my head.

He lifted an eyebrow, tinataya kung seryoso ba talaga ako.

"Go ahead," tumatangong sambit ko.

Kita ko naman ang paghinga ng maluwag ng tour guide namin na para bang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Kung hindi lang talaga nakakaawa ang mga guide na kanina niya pa pinapahiya at si Kuya Denver na ginagawa lang ang trabaho niya ay baka hinayaan ko na lang siyang umatungal dito.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon