Kabanata 27

169 42 7
                                    

Confront

Bumagsak ang panga ko sa sinabi ni Clinton. Gusto kong matawa pero sa palagay ko ay hindi magandang gawin 'yon lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

I let him hold my hand. Nakapikit siya habang pinagsisiklop ang palad naming dalawa. Ilang beses ko na rin namang nahawakan ang kamay niya pero ngayon ko lang ito mas na-analisa. Malambot ito katulad ng inaasahan ko, maganda rin ang mga daliri niyang may katamtamang haba ang kuko.

Noong mas naging komportable na ay marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at itinuon sa kamay naming dalawa. Ilang sandali pa ay bumaling siya sa akin. "Your hand perfectly fits mine... like they are both made for each other," wika niya.

Imbis na sumagot ay bumagsak din ang paningin ko sa magkahawak naming kamay. Pinagmasdan ko kung papaano nga tumutugma ang kamay ko sa kamay niya.

"D-Dont you dare f-fall in love with m-me." I tried to make a joke to calm my pounding heart but it's not effective.

He chuckled and shrugged his shoulder.

Parang sa buong pagsasama namin ay ngayon ko lang narinig ang tunog ng tawa niya. It sounds like music to my ears, kaya imbis na kumalma ay mas nagwala pa ang pusong ayaw makisama.

"Baka ikaw 'tong ma-inlove sa akin?" ganti niya sa sinabi ko.

"You wish!" tinaasan ko siya ng kilay kaya mas lalo siyang natawa.

He smirked. "Try me Claud..."

"Ikaw itong palagi kong nililigtas kaya mas malaki ang chance na ikaw ang unang ma-inlove sa ating dalawa!"

Dahil napalakas ang boses ay napabaling sa gawi namin ang foreigner na magkasama. Umiling naman agad ako at ngumiti para sabihing walang nangyayaring problema.

When I turn to Clinton a ghost of smile flickered across his lips.

Mukhang iba ang mensaheng nakuha mula sa sinabi ko. Parang ang lumalabas ay ayos lang na ma-inlove kami sa isa't isa basta ba siya ang mauuna. I bite my lower lip. Gustong bawiin ang nasabi kanina.

Hinawakan niya ang tungko ng ilong ko gamit ang hintuturo bago nagsalita. "Just try me Claud," may himig ng pagbabanta niyang sagot.

Dahil naiirita at wala ng maisasagot pa ay akma ko nang babawiin ang kamay na ngayon ay nakapatong na sa hita niya.

Agad niya namang hinigpitan ang pagkakahawak dito kaya sa huli ay wala rin akong nagawa.

Sa palagay ko ay malaki ang naitulong ng kaalaman na konektado ang aming nakaraan. Lumalabas ang totoo naming ugali at mas nagiging magaan ang pakikitungo sa isa't isa.

We're in that kind of position the whole flight. Natatawa ako dahil sa tuwing mararamdaman ko na mas mataas na ang lipad namin o di kaya naman ay bumababa at tumataas ang isang pakpak ng eroplano ay mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Kung takot ka palang sumakay ng eroplano paano ka kapag papunta o pauwing Cebu? I mean, plane is the most convenient mode of transportation papunta roon hindi ba?" pag-iiba ko sa usapan.

"Isinasakay ko sa ferry ang kotse ko," sagot ng katabi ko na ngayon ay nakapikit na.

"Kaya lang mas mahaba ang travel time kapag by sea."

Nakapikit pa rin siyang sumasagot sa akin. "Mas hassle dahil mahaba talaga ang oras na gugugulin pero hindi bale na..."

"Kaya ba noong papunta tayo sa Amanpulo ay nakapikit ka buong byahe?"

Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin.

"Mabuti at kinaya mo." I paused, naalala na masyado akong abala noon sa pagtingin sa tanawin kaya hindi ko siya napagtuonan ng pansin. "I thought you're sleeping during that time."

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon