Kabanata 29

152 35 6
                                    

Home

Dahil sa pagiging abala sa paparating na okasyon ay hindi ko na namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Naghahalo ang kaba at takot sa akin lalo na kapag naiisip na dalawang araw na lang bago ang mismong kasal.

Walang binanggit si Clinton sa akin tungkol sa pinag-usapan nila ni Hazel. Sa palagay ko ay maganda naman ang kinalabasan nito dahil hindi ko na napapansin ang paulit-ulit na pagtawag niya kay Clinton. Pagkatapos naman ng pagkikita namin ni Jerson ay hindi na ulit ako nakatanggap ng bulaklak sa opisina, mas ikina-panatag naman 'yon ng loob ko.

Ngayon ang final dress fitting namin. Katulad noong engagement party, pinasadya ulit naming pumunta rito sa mansyon ang napiling designer.

Nandito ang ilang malapit na kamag-anak namin ni Clinton na magiging parte ng bridal entourage. Nagkapalagayan naman agad ng loob ang dalawang pamilya dahil nagkakilala na sila noong engagement party. Karamihan sa kanila ay umalis din agad pagkatapos magsukat dahil may mga prior commitment pa. Sa huli, kami-kami na lang din ang natira.

Sumikip lang ng kaunti ang wedding gown ko kaya kailangang gawan ng minor adjustments, siguro ay dahil sa ilang magkakasunod na gathering na pinuntahan ko. Noong nakaraan kasi ay naghanda sila ng bridal shower para sa akin, dinaluhan ito ng mga malalapit kong kamag-anak at kaibigang babae. Maging si Clinton ay hinandaan rin ng bachelor party na ginanap naman sa isang high end bar.

Kakalabas ko lang mula sa fitting room at nakapagpalit na. Iniabot ko sa isang helper ang gown na sinukat bago binalingan ng tingin si mommy at tita na magkasama.

Sinalubong ako ng dalawa na may malaking ngiti sa mga labi. Pinagitnaan nila ako, hinawakan ako ni mommy sa baywang samantalang iniangkla naman ni tita Gwen ang isang kamay sa aking kaliwang braso, "Kumusta ang gown mo hija?" tanong niya habang naglalakad kami pababa sa mataas na hagdan.

Para mas maging organisado kasi ay nakiusap sila na hatiin sa dalawang venue ang gagawing pagsusukat. Nasa ikalawang palapag kaming mga babae at nasa baba naman ang mga lalaki.

Nahihiya akong umiling. "Sumikip po ng kaunti kaya kailangan pa raw i-adjust."

Nagtawanan silang dalawa. "Mabuti pala at may final fitting, kung wala ay baka para kang suman sa araw ng kasal," si mommy.

Nagulat ako sa bigla nilang paghila sa akin paakyat ulit sa itaas. Dahil sa mabilis na pagkilos ay hindi na ako nakaapila.

"Nakita mo ba Claud?" si Tita Gwen na medyo humahangos pa.

Awtomatikong kumunot ang noo ko, hindi maintindihan ang tinutukoy niya. "A-Ang alin po tita?"

"Si Clinton," si mommy naman ngayon.

"Hindi po ba nagsusukat sa baba?" naguguluhan kong tanong.

"Nakita mo ba siya kanina noong pababa tayo?" nag-aalalang tanong ni tita.

"Hindi po. Ano po ba ang nangyayari?"

Para silang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

Bumaling si mommy sa akin bago nagsalita. "Mas maganda kasi na hindi niyo muna makitang suot ng kapartner ninyo ang isusuot sa mismong kasal."

Nagpigil ako ng tawa bago sumagot  "Parang wala naman po akong nababalitaang ganyang pamahiin... Sa pagkakaalam ko, malas ang makita ng groom ang bride na suot ang damit pangkasal nito."

Tita Gwen sighed heavily. "Mas mabuti na ang sigurado, wala namang mawawala kapag sumunod tayo sa mga pamahiin."

"Huwag na huwag ka ring magsusuot ng pearl jewelry sa araw ng kasal mo, malas daw 'yon! Luha raw kasi ng oyster ang pearl kaya maaaring magdala rin ng luha sa babae kapag nagsuot siya nito," pahabol na  bilin ni mommy.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon