Conservative
We are heading right now to Amanpulo using private charter airlines. Mahirap makapunta sa lugar na ito dahil bukod sa malayo ay talagang sasadyain mo pa kaya kadalasan sa mga bumibisita ay puro mayayaman o may kaya sa buhay. Mabuti na lamang at inasikaso na lahat ni daddy kaya wala na kaming kailangang problemahin pa.
Nakapikit si Clinton sa buong byahe namin. Hindi ko alam kung totoong tulog o nagpapanggap lang para makaiwas sa akin. Ibinaling ko ang atensyon sa natatanaw na matataas na bundok sa labas ng bintana. Sa palagay ko ay nasa bandang Mindoro na kami. Dahil gabi at madilim ay tanging repleksyon lang ng buwan ang nakikita ko sa malawak na karagatan.
Pagkatapos ng mahigit isang oras na byahe ay lumapag na ang maliit na eroplanong sinasakyan namin. Mapalad kami dahil ang totoo ay umaga lang ang flight papunta dito pero dahil kakilala ni daddy ang may-ari kaya nagawan ng paraan.
Pagbaba mula sa eroplano ay sinalubong kami ng maraming hotel staff na may dala-dalang jasmine garland na kalaunan ay isinabit sa mga leeg namin. Nakalatag din ang red carpet para sa amin. Marami na akong iba't ibang beach at hotel na napuntahan pero hindi ganito kagarbo ang pagsalubong kaya namangha ako.
Inihatid kami ng dalawang staff patungo sa isang private golf cart. Ang buong isla ng Amanpulo ang nagsisilbing resort, napakalaki kaya ito ang pinaka-mode of transportation. Habang papunta sa aming sariling villa ay itinuro nila sa amin ang mga highlights sa lugar tulad na lang ng mga exclusive garden, spa, gym at mga restaurant.
Huminto kami sa isang malaking villa na tinatawag nilang casita. Ilang dipa lang mula rito ay tanaw na tanaw ko na ang dagat kaya nasasabik akong magising dahil sa ingay ng mga hampas ng alon. Ayon sa isang staff ay may ibang casita na may sariling swimming pool, butler at chef. Perpekto para sa mga bibisitang magbabarkada o malaking pamilya.
Nag-iwan ng numero ang naghatid sa amin para kung sakaling may kailanganin kami ay madali na lang. Nagpasalamat kami bago sila tuluyang umalis.
Si Clinton ang nagdala ng mga maleta papasok sa villa. Nauna siyang naglakad na sinundan ko rin naman agad.
I roam around and found a huge wooden deck that looked out onto the expansive white sand beach. What an amazing view! Umikot pa ako at nabigo ng makita na mayroon lamang iisang king-sized bed. Sa tapat naman nito ay isang couch na pwede ring tulugan.
"Wala na bang extra bed? Iisa lang ang kama na nandito." Tanong ko kay Clinton na ngayon ay nakaupo sa couch at nag-aayos ng mga gamit niya.
"This casita is for couple kaya don't expect na mayroong dalawang kama." Kinabahan ako sa sinabi niya. Ngayon lang kami magkakasama ng matagal pagkatapos ay magtatabi agad kami sa iisang kama? No way! Over my dead body!
"Kung nag-aalala ka na may gagawin akong masama sayo, ngayon pa lang tigilan mo na dahil sa couch ako matutulog." Kahit masungit niya itong sinabi ay nakahinga ako ng maluwag. Malaki ang couch kaya pwede itong tulugan pero hindi ko sigurado kung magiging komportable ba siya dahil masyado siyang matangkad para rito.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagtungo ako sa bathroom para magshower. Pagkabukas ko ng pinto ay napaawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Kasing laki ito ng bedroom at mayroon itong dalawang magkahiwalay na sink at vanity mirror. There is also a soaking tub, a toilet area and a massive walk-in rain shower. This place is amazing! Ngayon pa lang ay ramdam ko ng babalik ulit ako sa lugar na ito.
Gustuhin ko mang magbabad ay hindi ko ginawa dahil hinihila na ang mata ko ng antok. Wala akong ibang choice kung hindi isuot ang dinalang satin cropped pajama set dahil hindi ko alam na iisa lang ang kwarto na kinuha ni daddy para sa aming dalawa ni Clinton. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto dahil ang akala ko ay tulog na si Clinton ngunit naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Noong mapansin niya ang presensiya ko ay agad din naman siyang lumabas.
"Tsss. As if naman interesado ako sa pinag-uusapan niyo!" Bulong ko sa sarili.
Komportable akong humiga sa malaking kama. Tinablahan ako ng konsensiya noong maalaala ko na pagtitiyagaan ni Clinton na matulog sa couch. Dahil apat naman ang unan ay inilagay ko ang dalawa sa couch na hihigaan niya. Iisa lang ang kumot kaya nagparaya na rin ako tutal ay sa malambot na kama naman ako magpapalipas ng ilang gabi.
Pinilit kong matulog agad habang wala pa si Clinton dahil pakiramdam ko hindi ako makakatulog sa kaiisip na nasa iisang kwarto lang kaming dalawa.
Paggising ko kinabukasan ay nagtataka ako dahil nakatabon na ang puting kumot sa katawan ko. Sabik akong bumangon para makita ang kabuuang ganda ng isla.
"Good morning!" Pagbati ko kay Clinton na naabutan kong kumakain mag-isa.
"Morning. Hindi na kita ginising dahil baka pagod ka. Let's eat." Anyaya niya sa akin. Uupo na sana ako sa katapat na upuan nang pinigilan niya ako.
"Bumalik ka sa kwarto. Magpalit ka ng damit." Utos niya sa akin.
"Huh? Why?" Napatingin ako sa suot ko at natanto na bukod sa maikli ay hapit na hapit ang pantulog sa katawan ko.
"I didn't expect that you're conservative." Pang-aasar ko sa kanya bago pumasok sa loob para maghanap ng mas maayos na isusuot.
Mula sa kinauupuan namin ni Clinton ay tanaw ko kung gaano kaganda ang kabuuan ng isla. Now I know why Amanpulo is one of the most recommended resorts in the country. From the magnificent views of the turquoise sea, sugar white sand beaches and crystal clear water, every moment in this island is worth every centavo.
Tapos na kaming kumain nang mag-aya siya na libutin ang buong isla. Sakto naman dahil mamayang tanghali pa ang dating ng mga photographer kaya baka hapon pa masimulan ang pictorial.
Dahil sabik na sabik ay agad akong naghanda. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang isang blush pink summer lace beach dress na backless at sleeveless. Tenernohan ko rin ito ng flat white sandals at rattan bag.
Paglabas ko ng casita ay nag-aantay na si Clinton sa tapat ng golf cart na sasakyan namin. Mukha siyang artistang tingnan sa suot niyang simpleng white short at floral polo. Bakit kaya kahit hindi siya magbigay ng full effort sa kanyang itsura ay talagang nangingibabaw pa rin siya.
Katulad ng sinabi ni Clinton inikot namin ang buong isla sakay lamang ang golf cart na minamaneho niya. Hindi ako magkamayaw sa pagkuha ng litrato ng iba't ibang tanawing nakikita ko. Saan mang dako ng isla ay puting puti at pinong pino ang buhangin. Napakaganda ring pagmasdan ng dagat at kalangitan na hindi nagkakalayo ang kulay. Nakita ko ang gym at mga restaurant na itinuro sa amin ng staff kagabi. Mayroon ding spa kung gusto mong makapagpahinga. Mayroon din silang ino-offer na kite surfing, snorkelling, kayaking at scuba diving na gusto ko ring masubukan.
Dahil magkakalayo ang bawat casita ay kakaunti lang ang tao na makikita mo. Nakahanap kami ng magandang pwesto ni Clinton na hindi masyadong natatapatan ng tirik na araw. Naupo kami sa dalawang magkatabing sun lounger.
"I wanna stay here forever." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa mala-paraisong isla.
"I did not know what perfection looks like until I saw this island." Bakas rin ang pagkabighani sa mukha niya habang nakatingin sa malawak na karagatan.
Hindi ko akalain na sa simpleng pag-upo lang kasama ang taong nasa tabi ko ngayon sa isang tahimik at napakagandang lugar ay makapagdudulot sa akin ng ganitong uri ng kapayapaan.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...