Angel
Magkatapat kami ngayon ni Clinton na nakaupo habang tinatanaw ang tuluyang pag-angkin ng dilim sa kahel na kalangitan. Dahil sa pagsapit ng gabi ay mas nangibabaw ang ganda ng mga pailaw na inilagay sa paligid namin.
Ito kaya ang pinagka-abalahan niya buong maghapon? I smiled at that thought. I never imagine Clinton putting this much effort just to reconcile. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay mas iisipin ko pa ang malaking posibilidad na papalipasin niya lang ang galit ko hanggang sa humupa ito. Kikiligin na sana ako kaya lang nahilaw bigla ang ngiti ko nang maisip kung ilang babae na ba ang ginawan niya ng ganito. Nakaramdam ako ng kaunting pait dahil sa naisip.
"Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya kahit na ang totoo ay medyo natatawa. Ayaw kong isipin niya na maayos na ang lahat porket may ginawa siyang surpresa.
"Of course." Mayabang niyang sagot.
"How about the food? Don't tell me ikaw din ang nagluto?" Pagkatapos kong tingnan ang ilang pagkain na nakahain.
Bahagya siyang napakamot sa ulo at umiling.
"Fine." Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko.
"Sa akin lahat ang idea but I need manpower to do the small details. Hindi ko ito magagawa ng mag-isa lalo na at half day preparation lang."
"Tinanong ko lang kung ikaw nagluto ang dami mo na agad sinabi." Pambabara ko sa kanya.
He smirked. Natawa siguro dahil sa pagiging defensive niya.
"Did you like it?"
"Hmmmm.... Pwede na." Pang-aasar ko lalo.
Napasimangot siya sa sinabi ko. Gusto ko sanang purihin ang ginawa niya kaya lang ay lalaki ang ulo niya.
Habang kumakain kami ay ibinahagi ko sa kanya ang pag-follow sa instagram ko ng dati niyang girlfriend.
"Si Hazel?" Bakas ang gulat at pagtataka sa ekspresyong ipinakita niya.
"Yes. I accepted her follow request and I already followed her back."
"Baka nakita niya ang picture mo na ipinost ko... Wag mo na lang pansinin if ever na magsend ng message sayo."
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano ang nangyari sa kanila kaya lang ay baka hindi pa siya handang pag-usapan.
Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya nagkusa ng magkwento, tahimik naman ako habang pinapakinggan siya.
"She was my first love... Way back then sobrang patapon na ako. Napabayaan ko ang pag-aaral ko. Maagang sumubok sa pagbibisyo, alak, sugal, babae. I even tried using drugs." Napatawa siya habang umiiling para bang nahihiya sa mga kalokohang ginawa niya noon.
"I feel so hopeless during that time until I met her when I was struggling in college. Naging kaklase ko sa isang major subject na muntik ko nang ibagsak. She guided me, she bacame the fuel that brought back the fire inside me. She gave me purpose." Napahinto siya pagsasalita at tumingin sa dagat.
"Simula noon ay inayos ko ang buhay ko. Nag-aral na nang mabuti kaya nakagraduate on time. Tinigil ang mga masasamang gawain at kahit papaano ay naging maganda ang pakikitungo ko sa aking pamilya. Legal kami both side. Gustong gusto siya ng family ko ganun din naman ako sa pamilya niya."
While he was busy sharing his past I felt a small pinch of pain in my chest. The way his eyes sparkle while reminiscing their love story gave me a little heartache. Suddenly I feel... jealous. Ang saya siguro sa pakiramdam na may lalaking magkukwento sa iba kung paano mo binigyan ng kulay ang mundo niya.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...