Kabanata 30

153 31 3
                                    

Dream

I bowed down and saw my hands trembling while holding the bouquet of white dahlias, garden roses, scabious, and lisianthus.

Hindi sapat ang salitang kinakabahan para mailarawan ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko'y lalabas ang puso ko habang tinitingnan ang malaking pintuan ng simbahan na unti-unting bumubukas.

My jaw dropped when I entered the church, a baby's breath arch with hanging lit candles welcomed me. The floor is also full of the same flower, but this time it is combined with white snapdragons. The lighted candles inside the transparent cylinder vases serve as the guide to the altar. It feels like I'm having a dream, a very beautiful dream.

Dahan-dahan kong sinabayan ng paglalakad ang saliw ng musika. Parang saglit na huminto ang buong mundo, lahat ng mata ay nakatutok sa akin, wala akong ibang makita kung hindi ang mga nakangiting mukha na para bang lahat sila'y namamangha.

Gwapong gwapong tingnan si Daddy sa suot niyang classic black tuxedo. Inilahad niya sa akin ang braso at agad ko namang isinabit doon ang aking kaliwang kamay.

"Thank you Claud, thank you for saving our company," he whispered while we're slowly walking on the aisle.

A sharp pain stabbed my heart when I hear those simple words. It feels like I woke up unaided in the middle of a surreal fantasy.

The smile on my face slowly faded when I realized that all of these is a lie.

Hindi ba dapat masaya ako na hindi totoo ang lahat ng ito, pero bakit kasalungat 'yon ng nararamdaman ko? Bakit mas nanaig ang isinisisigaw ng nagkakaisang puso't isip ko na sana totoo na lang lahat ng 'to.
Bakit may malaking parte sa akin na humihiling na kung panaginip lang 'to ay huwag na sana akong magising.

Natanaw ko si Clinton na matiyagang naghihintay sa tabi ng altar.

He looks astounding and powerful in his blue suit, mas nadepina ang hugis ng malapad niyang balikat dahil saktong-sakto ang sukat nito sa kanya. His usually disheveled brown hair is now in perfect combed. There aren't enough words to describe how alluring he is right now.

May gumuhit na sakit sa aking sistema. Gusto kong tumalikod at maglakad papalayo hindi dahil sa ayaw kong ikasal sa kaniya, 'kundi dahil gusto kong ulitin ito sa paraang totoo na.

Nang magtama ang mga mata namin nakalimutan ko lahat ng gumugulo at bumabagabag sa akin.

Nagpakawala ako malalim na buntong hininga.

There's no turning back. I will make this dream a reality, my reality.

Tinapik ni Daddy ang balikat ni Clinton bago tuluyang ibigay ang kamay ko sa kanya. May bahid naman ng luha ang mata ni Mommy at Tita kahit nakangiti sila.

Nakapagtatakang alam naman nila na hindi totoo ang kasal na 'to pero para bang sobrang damang-dama nila.

Seryoso si Clinton sa buong seremonya ng kasal. Panay ang sulyap ko sa kanya habang nagsasalita ang pari pero hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Ginapangan tuloy ako ng matinding kaba, pakiramdam ko ano mang oras ay tatakbo siya.

"You know what to do, make it a good one!" the priest declared in a funny manner.

The crowd chuckled. Napuno ang malaking simbahan ng malakas na tawanan at hiyawan.

I was relieved when I saw Clinton's face light up with a boyish grin. Humarap siya akin at inilapat ang dalawang kamay sa likod ko, humakbang siya ng isang beses para maalis ang maliit na espasyong nasa pagitan namin.

Dinampian niya ako ng isang marahan at matamis na halik. Akala ko tapos na noong naghiwalay ang labi namin pero nasundan ng isa pa, sa pagkakataong ito ay mas matagal na.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon