Kabanata 23

200 53 7
                                    

Mad

Masakit na sa balat ang sinag ng araw kaya nagpasya kaming magtungo sa susunod na activity. Papunta kami ngayon sa kawayan bar. Ayon kay Clinton ay doon na daw kami kakain ng tanghalian.

Inihatid kami ng jet ski para makarating sa gitna ng dagat na kinalalagyan ng nasabing bar.

Literal na gawa sa kawayan ang floating bar na ito. Mula sa sahig, dingding, hagdan at iba pang nakapalibot dito. Ang bubong naman ay gawa sa mga pinatuyong dahon na kadalasan ring ginagamit sa paggawa ng bahay kubo. Mayroon itong maliit na counter kung saan nag-aantay ng order ang isang lalaking staff.

Habang naghahanap sa menu ay naupo kami ni Clinton sa dalawang magkaharap na upuan, pinapagitnaan kami ngayon ng isang lamesa na gawa rin sa kawayan. Sa isang banda ng bar na ito ay may dalawang beach lounge chair na may kombinasyong kulay na asul at puti. Para siguro sa mga nais na mag sunbathing at maligo sa dagat.

"Anong gusto mo?" Si Clinton na sa menu pa rin nakatingin.

"Hmmm. I want caesar salad with shrimps, lemon braised chicken and mango smoothie."

"Don't tell me you're on a diet? Bakit light meal lang ang gusto mo?" Takang tanong niya.

"I'll take a dip later kaya hindi ako magpapakabusog." Seryosong sagot ko sa kanya. Agad niya naman itong nakuha at bahagyang natawa.

"What's funny?" Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay dahil wala namang nakakatawa.

"Akala ko ay nagpapasexy ka." Nagpipigil siya ng ngiti kaya ibinaling ang mata sa ibang direksyon para hindi tuluyang matawa.

Sa ilang araw naming magkasama ni Clinton natanto ko na napakahirap huliin ng totoo niyang ugali. Minsan ay magaan kasama, minsan naman ay seryoso, may mga pagkakataon ding tahimik at ubod ng suplado. Napailing ako sa iniisip. Papaano kaya naatim ng mga babae na pagtiyagaan ang pabago-bago niyang ugali.

Ilang minuto rin ang hinintay namin bago dumating ang order. Inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan ng picture ang magandang pagkakapresent ng pagkain. Habang ginagawa iyon ay hindi ko namalayang kinukuhanan din ako ng Clinton gamit ang cellphone niya.

"What are you doing?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Taking pictures." Patuloy pa rin ang pagpindot niya sa cellphone na ngayon ay nakatutok sa akin.

"Stop it!" Asik ko. Na-conscious ako dahil hindi man lang ako nakapag-ayos at pakiramdam ko ang haggard haggard ko.

Tinigil niya ang ginagawa at tumitig sa hawak na cellphone na para bang tawang tawa sa nakikita.

"You didn't even ask for my permission!" Ngayon ay totoong naiirita na dahil hindi ko alam ang pinagtatawanan niya.

"Let me see!" Dahil sa pagiging kuryoso ay lumipat ako sa katabi niyang upuan at naki-usyoso. Noong una ay ayaw niyang ipakita sa akin ngunit dahil sa pangungulit ko ay sumuko rin siya.

"Ipapakita ko lang sayo pero hindi ko papahahawakan, baka burahin mo." Paninigurado niya. Ipinakita niya sa akin ang kuha na nakakanganga ako at galit na nakatingin sa kanya.

"Burahin mo yan." Pagbabanta ko.

"Why? It's cute."

"Ang pangit ko diyan. Burahin mo." Dahil sa pagpupumilit kong maagaw ang cellphone niya at patuloy niyang pag-iwas na makuha ko ay muntik na itong mahulog sa tubig. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakita ko rin ang gulat sa mukha niya. Mabuti na lamang at nasalo niya ito.

"My phone. My decision." Pagtatapos niya sa usapan.

Bahagya akong nawalan ng gana sa pagkain. Nag-iisip pa rin kung papaano makukuha ang cellphone niya at mabubura ang pangit na picture ko.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon