Kabanata 7

213 56 5
                                    

Dinner

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko sa opisina. Habang binabantayan ang oras ay tila mas lalo itong bumabagal. Inatasan ko si Erin na ipakilala sa akin ang iba pang katrabaho.

"Nice to meet you all. Inaasaha  ko ang pagkakaisa at pagtutulungan para makabangon at mapaunlad ang kompanya. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay niyo, kung wala kayo ay wala rin kami ngayon dito," maikli kong mensahe para sa lahat pagkatapos ipakilala isa-isa ni Erin ang mga kasama. Bagamat hindi ko matandaan lahat ng pangalan ay alam kong makakasanayan at makikilala ko rin sila.

Nakahinga ako ng maluwag noong pumatak na ang alas-kwatro. Sinamantala ko ang paglabas ni Clinton kaya dali-dali akong naglipit ng gamit. Dadaan sana ako sa office ni daddy kaya lang sabi ni Erin ay nauna na ito at hindi na nagpaalam. Tinawagan ko si mommy habang pababa sa ground floor.

"Pauwi ka na ba? Nandito na si Liam."

"Si dad nakauwi na ba?"

"Not yet anak. Bakit wala na ba riyan?"

"Baka on the way na mom kasi umalis na raw sabi ng sekretarya ko. Pauwi na rin ako don't worry. Sana lang ay walang traffic," puputulin ko na sana ang tawag kaya lang ay nagtanong si mommy.

"Hinatid ka raw ni Clinton kagabi kwento ng isa nating kasambahay. Totoo ba yun Claudia?"

"Wala ako masyadong matandaan mom. I was drunk last night pero sa palagay ko nga ay hinatid niya ako."

"Good news ba yun anak? Nagkakamabutihan na ba kayo?" nang-uusisa niyang tanong.

"Mom hindi yun tulad ng iniisip mo. See you in a bit. I'm driving," paalam ko para mamatay ang usapan.

"Take care hija."

Pinilit kong libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng music. Halos isang oras din ang binyahe ko dahil sa sobrang traffic. Katulad ng sinabi ni mommy, nasa bahay na nga si kuya nang dumating ako.

"How's your day?" bungad sa akin ni kuya na ngayon ay nakapambahay na.

"Hmmm. Fine kuya, medyo kinakapa pa pero kinakaya naman so far. How about you? It's been days simula noong huli tayong magkita."

"Tired but fulfilling. Mas maraming pasyente ngayon kaya hindi ako masyadong makauwi. Malapit lang kasi yung condo ko sa ospital kaya waste of time kung babyahe pa ko ng matagal para makauwi dito," nakangiti niyang sagot. Halatang pagod at puyat dahil medyo nangingitim na ang ilalim ng mata. Kahit na ganoon ay bakas sa mukha niya na masaya siya sa ginagawa niya.

"That's good to hear kuya. Masaya ako na masaya ka sa chosen career mo."

"Thanks to you Claud. I owe you a lot..." He cupped my face and kiss my forehead. "Sige na umakyat ka na at maligo. Gabi na pero amoy araw ka pa rin." Inilagay niya ang hintuturo sa ilong na para bang nababahuan sa akin.

"What the! Fine. Eto na aakyat na."

Minsan na nga lang magkaron ng matinong usapan mauuwi pa sa pang-aasar! Sa isip isip ko.

Tulad ng sinabi ni kuya ay nagbabad ako ng ilang minuto sa bathtub. Muntik na akong makatulog sa sobrang payapa buti na lamang ay may kumatok na kasambahay.

"Miss Claudia handa na po ang hapunan."

"Susunod na po manang!" Malakas kong sigaw para marinig niya kahit nasa bathroom ako.

Isang maikling short at sleeveless top ang sinuot ko tutal ay nasa bahay lang naman. Hindi na rin ako nagblower ng buhok at naglagay ng make-up dahil wala namang inaasahang bisita.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon