Fiance
Ilang araw kaming naging abala para sa paghahanda sa engagement party. Pupunta kami sa hotel na pagdadausan nito, pipili rin kami ng mga pagkain na ihahanda sa mismong araw at aayusin ang iba pang mahahalagang detalye.
Nilapitan ako ng magiging host sa party. Sa paraan pa lang ng paglalakad at pagdala niya sa sarili niya ay alam ko ng hindi siya tunay na babae. Ito na ang huling agenda na kailangan naming gawin, ang pag-oorient sa magiging daloy ng programa.
"Nasaan po ba ang soon to be husband ninyo? Para isahang orientation na lang po sana." Nagtataka at palinga-lingang tanong ng event host.
Nangapa ako ng sasabihin dahil hindi ko alam kung susunod ba siya. Bago pumunta rito ay binilinan ko na siya.
"May appointment daw tayo mamayang 6:00 pm sa hotel para sa finalization ng engagement party."
"Titingnan ko." Maikli at walang buhay niyang sagot.
"Kailangan ka doon Clinton. Saglit lang naman yun kaya pumunta ka na." Pangungumbinsi ko.
"Titingnan ko nga." Iritable niya ng sagot.
"Aantayin kita kaya pumunta ka." Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya dumiretso na ako palabas ng opisina.
Magsasalita na sana ako nang natanaw ang isang matangkad at takaw pansin na lalaki. Halos lahat ng madaanan niyang receptionist at iba pang nagtatrabaho sa hotel ay napapabaling sa gawi niya. Kahit na white v-neck lang at ripped jeans ang suot talagang mapapalingon lahat ng makakasalubong niya.
"Andito na siya." Sagot ko sa host kahit na sa malayo nakatingin.
"Hindi niyo naman po sinabi sa akin na sobrang hot at gwapo pala ng mapapangasawa ninyo." Halos lumuwa ang mata at tumulo ang laway ng piniling host ni mommy sa paglapit ni Clinton.
Required ba na informed ka sis? Tsss. Napataas ang isang kilay ko. Mukhang interesado pa ang isang to kay Clinton!
"Late na ba ko?" Tanong niya pagkalapit sa amin.
Obvious ba? Imbis na ako ang sasagot ay inunahan ako ng baklang feelingera. Kaya napairap na lamang ako.
"On time lang po kayo sir. By the way I'm Barbie, you can call me Barbs. Ako po ang magiging host niyo sa upcoming party." Sabik na sabik niyang pagpapakilala sabay lahad niya ng kamay kay Clinton.
Halatang bet na bet niya si Clinton dahil halos ayaw niyang bitawan ang kamay nito. Kulang na nga lang ay halikan niya ang sariling palad pagkatapos bumitaw ni Clinton sa kamayan nila.
"Bukod sayo may iba pa bang possible na maging host?" Maldita at palaban kong tanong.
"Mayroon pa naman pong ibang available. Kaya lang ako po kasi yung ni-request ng mommy ninyo. Bakit po madam may problema po ba? Bakas ang pagkabigla at kaba sa mukha niya.
"Wala naman. In case of emergency lang. Mas maganda na may back up plan agad tayo para hindi masayang ang oras at gastos namin."
Kailangan pang sinisindak para magtrabaho ng propesyonal.
"Matagal pa ba to?" Naiinip na tanong ni Clinton.
Matapos ilatag sa amin ang magiging flow ng program ay mas ipinaramdam ni Clinton ang pagkabagot niya. Maya't maya ang tingin niya sa orasan at panay ang iling kaya tinapos na rin agad ng host ang mga sinasabi at agad na nagpaalam kahit na labag ito sa kanyang kalooban.
Palabas na kami ng hotel ni Clinton ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Liana mula sa kabilang linya.
"San ka na? Tutuloy ka pa ba?"
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...