Tranquility
Ikatlong araw na namin bukas sa private island na ito. Dahil natapos ang shoot sa loob lang ng dalawang araw ay may natitira pa kaming oras para makapagpahinga.
Tinawagan ko si daddy habang nasa bathroom si Clinton. Ipinaalam ko sa kanya na maganda ang naging resulta ng prenuptial namin at mahusay ang mga nakuha niyang photographer.
"That's good to hear! May dalawang araw pa kayo riyan kaya magpahinga kayo. Pagbalik niyo ay magiging abala tayo para sa preparation ng kasal."
"I will surely take your advice. This place is amazing dad! Sana ay magkaroon din tayo ng ganitong negosyo." Iniisip ko na magandang magkaroon ng sariling resort lalo na kung ilalagay sa magandang lugar na dadayuhin ng mga turista.
"Darating din tayo diyan Claud. Sa ngayon ang pangunahing layunin natin ay tuluyan nang makabangon ang kompanya."
Ibinalita sa akin ni daddy na tinanggal na at ipinakulong ang mga sangkot sa nangyaring pandaraya sa mga materyales na nauwi sa pagguho ng dalawang ipinapatayong condominium.
"By the way anak, sana naman ay makapag-isip na kayo ng petsa para sa kasal ninyo."
Habang tumatagal ay nawawala sa isip ko na kasunduan lang ang lahat ng ito. Natatakot akong malaman ni Clinton ang tungkol sa panlolokong ginagawa namin sa kanya. Kaya kahit labag sa loob ay sisiguruhin kong hindi niya malalaman ang tungkol dito.
Inagaw ni mommy ang cellphone kay daddy para makausap ako. Ilang pangungumusta lang ang ginawa niya pagkatapos ay pinutol na rin ang tawag.
"Enjoy your days with Clinton!" Huling bilin ni mommy sa akin na para bang teenager na nanunukso.
Malakas ang pakiramdam ko na ipinasadya nila na tapusin nang mas maaga ang pictorial upang magkaroon kami ng pagkakataon ni Clinton na makapag-isa.
Naputol ang pag-iisip ko noong lumabas si Clinton mula sa bathroom.
"What is our plan for tomorrow?" Pambungad niyang tanong sa akin habang pinapatuyo ang buhok gamit ang puting tuwalya.
"I want to enjoy the beach. Pagbalik sa Manila ay trabaho na naman ang aatupagin." Sagot ko sa kanya habang nakaharap sa vanity mirror at naglalagay ng skin care product sa mukha.
Nakakatawang isipin na habang tumatagal ay mas nagiging komportable kami sa isa't-isa. Ganito na rin kaya kapag mag-asawa na kami? Saan kaya kami titira? Okay lang naman sa akin ang condo niya pero okay lang din kung bibili kami ng bago.
Napapikit ako dahil sa mga iniisip. Bakit parang sabik na sabik ako at naglo-look forward pa sa mga mangyayari? No Claudia. No!
"Then let's plan for our itinerary tomorrow?" Suhestiyon niya habang hinahanap ang brochure sa bedside table.
"That's a good idea! Maaga pa naman kaya pwede nating gawin yan." Umupo siya sa kama kaya bahagyang lumubog ito.
"They are offering kawayan bar, kayaking, floating hut, kitesurfing, snorkeling and stargazing. What do you think?" Inilipat niya ang tingin sa akin mula sa brochure na hawak hawak.
"Hmm." Matagal akong nakasagot dahil halos lahat ay nakakahikayat subukan.
"I want to try the kitesurfing, kayaking and the kawayan bar. Siguro sa susunod na araw naman yung iba para hindi masyadong nakakapagod." I've finally made up my mind.
"I think mas maganda na mag stargazing sa huling gabi natin dito." Dagdag ko pa.
"Okay noted! I'll contact the staffs tomorrow morning para sa tanghali ay settled na. Let's sleep dahil marami tayong gagawin bukas." Iniabot ko sa kanya ang ilang unan at kumot bago tuluyang nahiga sa kama.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...