Saved
Nakahawak ako sa baywang habang nakayuko at hinihingal nang makarating kami sa mismong kalsada. Tanghali na kaya mas doble ang nararamdaman kong pagod lalo na't tirik na tirik ang araw habang naglalakad kami pabalik dito.
Nanatili kami sa labas ng jeep habang hinihintay ang ibang kasama na nahuli sa paglalakad. Maraming puno ang nakapaligid sa pwesto namin kaya napo-protektahan kami mula sa sinag ng araw.
Naupo ako sa isang malaking bato na nasa gilid ng kalsada, katabi si Clinton na nakatayo habang nagbubukas ng bottled water.
"Here." Abot niya sa tubig na akala ko'y para sa kanya.
Kinuha ko naman ito at ininuman hanggang sa magkalahati. Tatakpan ko na sana ito nang bigla niyang abutin at tunggain.
Pinagmasdan ko ang mapula niyang labi na nakalapat sa bibig ng bote, bumalik sa isip ko ang paraan ng paggala nito sa iba't ibang parte ng aking katawan kagabi.
Nakakainis dahil maya't maya akong binibisita ng pangyayaring 'yon. Parang piniratang dvd na paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko!
Napapikit ako nang mariin dahil sa inis sa sarili. Itinuon ko ang mga mata sa dalawang binti na kanina pa sumasakit. I massaged it gently.
My brows furrowed when Clinton kneeled in front of me! May kataasan ang batong inuupan ko kaya mas mababa siya sa akin ngayon.
Nagtilian ang ilang kasama namin na nakakita sa pagluhod niya. Napalitan naman agad ito ng pagkalukot ng mukha nang simulang hilutin ni Clinton ang binti ko.
"Ano ba yan! Akala ko magpro-propose na!" reklamo ng babaeng katabi ang asawa.
"If you like it, then you should put a ring on it!" kanta naman ng katabi niya pagkatapos siyang hilain sa baywang at halikan sa pisngi.
I smiled broadly, seeing a happily married couple in this generation made me wanna believe in happy ever after. Labis ang paghanga ko sa mga relasyong pangmatagalan, yung tipong hindi nagigiba ng anumang hamon na ibato ng buhay.
Mas napangiti pa ako nang maalala sa mag-asawa si Mommy at Daddy. Saksi rin ako sa mga problemang pinagdaanan nilang dalawa pero hanggang ngayon ay 'di sila natitinag, matibay pa rin at nananatiling magkasama.
Nanlaki ang mata ko nang biglang halikan ni Clinton ang singsing na nasa daliri ko! Itinaas niya ito para ipakita sa mag-asawa
He gave me a charming smile before he glanced at the couple. "I already put a ring on it," he said without any hesitation.
Nagpalakpakan ang lahat ng naroon, hindi ko namalayan na pati ang ibang tao na hindi naman kasama sa grupo namin ay nakikinig din pala!
I know that I'm already blushing when he turned his gaze to me. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa labis na kahihiyan. Nagtiim-bagang naman agad si Clinton ng makita ito.
"You're doing it again," natatawang sabi niya pagkatapos dilaan ang pang-ibabang labi.
Nag-iwas agad ako ng tingin, ibinaling ang mga mata sa mga paparating na kasama.
Natanto ko na magkakalapit lang pala kami ng tinutuluyang inn nang bumaba ng jeep ang mga kasama namin. Walking distance lang ang layo mula sa cabin namin, kaya pala ayos lang kay Kuya Denver na umuwi muna kami.
Hindi kami nakapagbanlaw galing sa falls kaya naman minabuti kong maligo pagkatapos naming mananghalian.
Naupo ako sa kama habang nagpapatuyo ng buhok. Napasigaw ako nang pagkalakas-lakas ng biglang may kung anong lumipad at dumapo sa batok ko! Mas naestatwa ako nang maramdaman ang paggapang nito papasok sa loob ng damit ko.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...