Kabanata 24

195 52 6
                                    

Surprise

Nakabalik na kami sa casita at bahagyang nahimasmasan na ako ngunit hindi ko pa rin pinapansin si Clinton. Ayokong isipin niya na pinapalagpas ko ang birong ginawa niya.

Inantay ko siyang maunang mag-shower dahil balak kong magbabad sa bathtub pagkatapos niya. Pagkalabas niya ng bathroom ay dumiretso na ako.

Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang bathtub at naglagay ng ilang bath bomb saka tuluyang nahiga rito. Sumimsim ako ng kaunting red wine na dinala ko rin dito kanina. Nakakatuwa ang resort na ito dahil bukod sa puno ng iba't ibang inumin ang fridge ay araw-araw ding may sweet treats na iniiwan ang mga staff. Noong nakaraan ay dried mangoes, nasundan ng ilang brownies at kanina naman ay polvoron.

Nakatulog ako kaya hindi ko namalayan ang oras. Paglabas ko ay madilim na at wala si Clinton.

"Saan naman kaya nagpunta ang isang yon?" Tanong ko sa sarili.

Kumalam ang sikmura ko at naalala na ang huling kain ay kaninang tanghali pa, bago ako magalit kay Clinton. Tiningnan ko ang sariling relo at nakitang alas syete na. Tatawag na sana ako sa beach club para makapag-padeliver kaya lang ay biglang dumating si Clinton na may dalang mga pagkain.

"Hindi na kita ginising."

Natanaw kong inihilera niya ang mga dalang pagkain sa table. Mayroong lobster bisque, roast pork with lime, grilled fish at mashed potatoes. Sa itsura at amoy pa lang ng mga ito ay natatakam na ako pero hindi ko ipinahalata.

"Dinner is ready Claud. Come here, let's eat." Anyaya niya sa akin.

Pabagsak akong umupo sa kaharap niyang upuan. Tahimik ako habang kumakain samantalang halatang pinipilit niyang maghanap ng pupwedeng pag-usapan para  makabawi sa ginawa kaninang tanghali.

"Tomorrow is our last day. Anong gusto mong gawin?" Napanis lang ang maamo niyang ngiti dahil hindi siya nakarinig ng sagot mula sa akin.

"You want some dessert?" Sabay abot niya sa sliced chocolate cake. Nangalay lang din ang kamay niya dahil hindi ko ito tinanggap. Kahit na gustong gusto ko iyon ay pinigilan ko ang sarili ko. Dahil sa pagkapahiya ay binawi niya rin agad ito.

"Pupunta ako sa bar mamaya. May sikat na banda raw na tutugtog. Gusto mo bang sumama?" Pagsubok niya ulit na kausapin ako pero wala siyang napala.

Ano kayang banda ang naroon? It sounds tempting pero hindi ako nagpatinag. Masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya. Kahit kailan ay hindi magiging nakakatuwa ang ganoong uri ng biro. Papaano kung totoong nalunod siya? Tsss.

Pagkatapos magligpit ng kinainan ay dumiretso ako sa kwarto. Naupo ako sa kama at nagpanggap na may ginagawa sa cellphone. Pumasok din si Clinton, nagpalit siya ng damit at akmang lalabas na.

"If you need something just call me. Inirehistro ko na ang numero ko sa cellphone mo kanina habang nasa bathtub ka."

Pagkaalis niya ay agad kong hinanap ang numero sa cellphone ko.

Itinype ko ang pangalan niya ngunit walang lumalabas.

"Clinton"

"Sky"

"Del Valle"

"Huh? Bakit wala naman dito. Baka hindi niya nai-save." Bulong ko sa sarili.

Dahil hindi ko mahanap ay inisa-isa ko ang mga pangalan sa phonebook. May isang nakaagaw ng atensyon ko.

"Sorry na"

What's wrong with this person? Papaano ko mahahanap ang pangalan niya kung ganyan ang nakarehistro. Napailing na lang ako at natawa.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon