Awkward
Maaga kaming naghanda ni Clinton kinabukasan. Dala ko ang isang bag na puno ng iba't-ibang damit para sa last pictorial. Kahit na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kagabi ay naging maganda pa rin ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Pagbaba namin sa golf cart ay kinuha ni Clinton ang bag na hawak ko.
Sinalubong kami ni Rio mula sa dalampasigan. Ang dalawang kasama ay natatanaw ko na sa loob ng puting cruise ship. Pasakay kami ngayon sa isang cruise ship na magdadala sa amin patungo sa malalim na parte ng dagat. Naunang umakyat si Clinton. Ang buong akala ko ay iiwan niya ako katulad ng ginawa niyang pagsarado sa pinto ng opisina gayong alam niyang papasok ako. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagkamali ako. Inilahad niya sa akin ang kamay bilang pagsuporta sa pag-akyat ko. Mukhang bumabawi ang loko.
Maganda ang cruise ship na aming sinakyan. Mas nagmukha itong malinis at elegante dahil sa puti nitong kulay. Mayroon itong maliit na hagdan sa gilid na tiyak kong patungo sa ikalawang palapag. Tanging mga barandilya lang sa gilid ang nagsisilbing proteksyon nito kaya tanaw na tanaw ang asul na dagat.
Nakalagay sa isang side ang ilang aparato na ginagamit sa diving. Sa kabilang banda naman ay may maliit na comfort room na pwede raw pagbihisan.
Ipinakilala sa amin ni Lucas si Mang Jun at Mang Emil. Dahil sa ilang kulubot sa mukha ay mababakas na may edad na sila. Malalaman mo rin na matagal na nilang ginagawa ang trabahong ito dahil sa balat nilang tila sunog sa araw. Sila ang dalawang makakasama at magiging katulong namin sa shoot na ito.
"Pwede ko bang tingnan yung mga dala mong damit? Para makita ko kung ano ang pinakabagay sa gagawin natin." Tanong ni Lily na ngayon ay nakasuot na ng one piece na pinatungan lang ng roba.
"Wait." Hinanap ng mga mata ko si Clinton dahil nasa kanya ang bag ko. Nalaglag ang panga ko noong natanaw siyang lumabas mula sa comfort room. Suot niya ang isang black beach shorts na pinaresan ng white sleeveless tee. Idagdag mo pa ang suot na ray-ban aviator classic na nagsilbing proteksyon sa mata niya. Napakainit na ng panahon dinagdagan niya pa! Tsss. Nahuli ko naman ang panakaw na sulyap ni Lily sa nakadungaw na abs ni Clinton.
"Where's my bag?" Nilapitan ko si Clinton at tinabunan ang katawan niya upang harangan ang mga matang makasalanan ni Lily.
"Over there." Turo niya sa isang sulok na pinaglayan din ng mga gamit ng mga kasama namin.
Kahit na nahihilo dahil sa alon ay pinagpatuloy ko ang paglalakad. Humawak ako sa barandilya upang hindi matumba. Kinuha ko ang bag at mabilisang nagtungo kay Lily.
Ipinakita ko ang mga dala kong swimwear. May ilang dress din akong dala para sa pictorial sa yate mamaya.
"Bingo!" Reaksyon niya pagkakita sa isang retro plaid high waisted two piece.
"Iyan ang isusuot mo para sa solo pictures samantalang itong white high waisted knotted one shoulder two piece naman ang para sa pictorial niyo ni Clinton." Dagdag niya pa.
"Magbibihis na ba ako?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang dalawang swimwear na napili niya kanina.
"Yes. After mong magbihis akyat ka sa taas para sa solo pictorial mo."
"Okay thanks!"
Isasarado ko na sana ang pintuan ng banyo noong natanaw ko si Clinton mula sa taas. Sa tingin ko ay una siyang kinuhaan dahil naunang nakapagbihis.
Nagpalit ako ng damit. Hindi pa ako confident sa suot dahil ilang araw na rin akong di nakapag work out sa bahay. Bakit ba nawala ito sa isip ko!!!
Pinatungan ko ng roba ang suot kong bikini bago lumabas. Sakto naman na patapos na si Clinton kaya pinaakyat na ako sa taas. Inayos lang ng kaunti ni Lily ang umaalon kong buhok at nilagyan ng manipis na make-up.
BINABASA MO ANG
The Lifetime Agreement
RomanceClaudia Amanda, ang masunuring anak ng pamilya Ramirez. Nanatili siya sa ibang bansa para sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kurso na makakatulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Nang mapagtagumpayan niya ito ay gumulantang ang balitang nagk...