Kabanata 42

105 4 3
                                    

Mistake

I sighed with relief when the meeting ended. Kung magtatagal pa kasi ay parang kakailanganin ko munang lumabas para makahinga.

Kahit na kuryuso ako kung totoo ba ang sinasabi ni Erin ay hindi ako nagpadala. Hindi ako bumaling o tumingin man lang sa kinaroroonan ni Clinton. Baka makita pa ako ng mga tao, ano na lang ang iisipin nila. I don't want to give them wrong ideas about... us. Gusto ko lang gawin nang maigi ang trabaho ko. Ayaw ko ring maiugnay pa ang pangalan ko sa kanya lalo na't mayroon na siyang sariling pamilya.

Nagpaiwan kami ni Erin sa conference room kasama ang ilang staff na in-charge para sa paparating na party.

The company will be celebrating its thirtieth anniversary next Saturday. Nakakalungkot lang dahil hindi na ito naabutan ni Daddy. Nabuksan ang paksang ito sa meeting kanina, ayon sa kanila ay ayos lang naman kung hindi ito gugunitain ngayong taon lalo na't nagluluksa pa sa biglang pagpanaw ni Daddy. Hindi naman ako sumang-ayon dito. Sigurado akong hindi niya magugustuhan na ipagpaliban ang espesyal na okasyon. Mabuti na lang at sa huli ay nakumbinsi ko silang ituloy pa rin ito.

Iniabot sa akin ng babaeng event organizer ang final plan.

"Ito po ang huling napagkasunduan namin ni Sir Raymark, Miss Claudia."

Pinasadahan ko kaagad ng basa ang mga impormasyon na naroon.

My forehead creased when I saw the theme of the party. "He would like to have a masquerade party?"

Natawa si Erin sa naging ekspresyon ko.

The organizer shyly nodded at me. "Yes, Miss. Ang katuwiran ni Sir Raymark ay gusto niyang maging light lang ang anniversary party ngayong taon. Gusto niyang mag enjoy ang mga empleyado at makapagpahinga saglit mula sa araw-araw na trabaho. He wanted them to feel special on that night," she said.

"The best talaga si Sir Raymark, Miss Claud. Hanggang sa huli ay kapakanan pa rin namin ang iniisip niya."

Napangiti ako sa sinabi ni Erin. Hindi niya lang mahal ang kompanya at ang pribelihiyong dulot nito sa amin, mahal niya ang mga tao na nasa likod ng tagumpay nito.

Mabilis na kumalat sa mga empleyado ang balita patungkol sa pagpapatuloy sa selebrasyon. Sa buong linggong iyon ay wala akong ibang narinig kung hindi ang pananabik nilang makapili ng damit na susuotin.

Nang sumapit ang Sabado ay nagpasama ako kay Liana para maghanap ng susuotin. Iminungkahi ni Mommy na magpatahi na lang kaya lang ay parang hindi kakayanin dahil ilang araw na lang ang natitira para sa preparasyon.

"How about that?" Liana asked while pointing on a black long gown.

Simple lang ito. It is an off-shoulder long high low gown.

"I like it. Simple lang pero maganda tingnan."

She paused for a while as if she's thinking something. Then she shook her head.

"Forget about that. I fail to recall that you're the CEO of a big company! Hindi pwede 'yong simple lang. Kailangan ay mangibabaw ka sa kanilang lahat."

My lips curved into a smile. "Is it a competition? Pageant ba ang pupuntahan ko, Liana? Gaano ba dapat kaganda?" I teased.

Natatawa niya akong inilingan. Nagpatuloy siya sa pag-iikot sa eksklusibong boutique. Naging abala naman ako sa pagsunod sa kanya.

"Alam kong hindi mo 'to ginagawa para mangibabaw ako sa kanila," I said.

Inihinto niya ang pagbusisi sa kulay pulang gown at saka bumaling sa akin. Napasinghal ako dahil sa pag-irap niya ng mata.

The Lifetime AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon