His One Week Wife
Chapter 1:
Gusto ko matawa. Matawa sa katotohanan na hinahayaan ko lang ang sarili ko na nakatingin sa taong mahal ko na may kalandiang iba.
Ang manhid-manhid ko! Tangina! Ang manhid manhid ko!
Kahit gusto ko tumakbo palayo, kahit gusto ko sila sugurin at pagsasaktan hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko, hindi ko magawa.
Naiinis ako sa sarili ko, kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko na masaktan ng ganito.
Am I deserve this pain?
"Umiiyak ka na naman, veronica. Hanggang kelan ka ba matatauhan?" sigaw ng isip ko.
Kahit ilang pahid ang gawin ko para mawala ang luha ko ngunit tuloy pa din ito sa pagtulo.
"Iwanan mo na 'yang lalaki na yan, Veronica! Sinisira niya lang ang buhay mo!" sermon ng isip ko.
Ngunit tumalikod lang ako at naglakad papalayo. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng isip ko.
Dahil alam kong mababago siya. Kasi naniniwala ako na balang araw mamahalin niya rin ako,kung paano ko siya kamahal ngayon at hindi ako magsasasawang antayin na mangyari 'yon.
Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Tinakpan ko ang tenga ko para wala akong marinig sa maaaring maging ingay.
Nasa Master's bedroom ako, at nasa sala lang siya at ang babae niya.
At kahit ako ang asawa niya, ni hindi man lang niya ako nahawan o natitigan ng matagal at masakit sa side ko yon as his wife.
Flashback...
"Dmitri you need to marry their daughter!" narinig ko ang sigaw ni tita Julie kay Dmitri. Nasa hagdan ako ng marinig ko ang boses ni tita.
"No! I don't want to! Bakit ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal!" napalunok ako ng marinig ko ang boses ni Dmitri. Kahit hindi ko nakikita kung ano ang itsura niya alam kong hindi ko magugustuhan ito dahil sa tanang buhay ko ito ang araw na kauna-unahang narinig kong sumigaw si Dmitri sa galit.
"Anak naman! Malaki ang utang na loob natin sa pamilya ni Veronica! Remember, iniligtas ni veronica ang buhay mo mula sa aksidente."
"I DON'T CARE! edi sana hinayaan niyo na lang ako mamatay kesa magdusa ako ng habang buhay para lang sa putanginang utang na loob na y----
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Dmitri dahil umalingawngaw ang sampal ni tita.
Gusto ko sana bumababa at puntahan sila pero wala akong lakas na loob.
"Kung hindi ka magpapakasal kay Veronica. Lahat ng kayamanan ng pamilya natin ay hindi sayo mapupunta." at narinig ko ng naglakad na si tita agad naman ako tumakbo pabalik sa kwarto ko.
End of flashback..
Hindi ko naman pinilit ang mga magulang ko para magpakasal kay Dmitri kahit na alam nilang may gusto ako sa kanya.
Matagal na akong humahanga kay Dmitri mula noong first year collage pa lang kami talagang gustong-gusto ko na siya.
Isang sikat na basketball player si Dmitri sa university namin noon. Maraming humahanga sa kanya mapalalaki man hanggang sa babae dahil sa galing niya maglaro. Marami siyang naiuuwi na medalya tuwing nasasabak sila sa championship.
Siya rin ang president ng officers sa university. Kaya lahat ng ideas niya ay pumapatok at nagugustuhan ng mga estudyante.
At mas lalo siyang sumikat noon nang sumali siya sa singing contest sa university namin at siya ang naguwi ng premyo.
Sobrang perpekto ang buhay ni Dmitri mula noon pa man. Para siyang isang sikat na artista sa dami ng humahanga sa kanya. At isa na ako doon.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko pa ang mga panahon na 'yon na kung saan parang hangin lang akong dinadaan-daanan niya noon.
Ako lang kasi nakakalaam noon na yung parents niya at ang parents ko ay magka-partnership sa isang business.
At ganoon na lang ang tuwa ko ng sabihin sa akin ni mommy ukol doon.
Maraming chismis ang kumakalat noon sa kanya na marami daw babae si Dmitri, pero hindi ako naniniwala kasi alam kong sa sarili ko na hindi siya ganoong lalaki.
Agad akong napabalikwas ng bangon na makarinig akong malalakas na katok mula sa labas ng kwarto.
"VERONICA! BUKSAN MO ANG PINTO!" agad akong bumangon at tinakbo ang pituan at pagkabukas ko nakatayo siya kasama ang babaeng nasa tabi niya.
Agad niya akong hinila palabas at hinila niya ang babae papasok ng kwarto namin.
"Dmitri, huwag d-----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pagbagsakan niya ako ng pinto.
Wala akong magawa kundi umalis na lang ng kwarto. Kahit umiyak ako ng dugo dito, wala pa din akong magagawa.
Dumiretso na lang ako sa guest room at doon natulog.
...
Thanks for reading
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...
