HOWW-12

4.3K 117 4
                                        

Chapter 12:
Day 4.2


KUMALAS ako sa pagkakayakap mula kay Dmitri. Napatayo naman si Dmitri ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan namin.

"Did I disturb your moment?" hindi ko alam kung patanong ba ang pagkakasabi niya o sarcastic?

"Lorraine." hinawakan ni Dmitri ang dalawang balikat nito. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Iyon pa lang ang nakikita ko sa kanilang dalawa nasasaktan na ako. Ano pa kaya kung mag-asawa na sila? Baka mabaliw ako.

"It's nice to meet you again, veronica."  umupo ito sa harapan ko. Si Dmitri naman ay nananatiling nakatayo sa gilid ng lamesa.

Ngiti na lang ang itinugon ko sa kanya.

Inikot naman niya ang paningin niya sa buong fast food chain at huminto sa akin.

"Did you know na ayaw dito kumain ni Dmitri?" napatingin ako kay Dmitri na ngayon ay seryoso ang awra.

Umupo si Dmitri sa tabi ko.

"What you need, Lorraine? And, how could you found us?" seryosong tanong nito.

Ngumiti si Lorraine sa kanya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito, love."

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sinabi nito. Napakababaw lang ng sinagot nito pero libo-libong tanong ang gumagabag sa isip ko.

Love?

Ito ba ang tawagan nila?

Tinignan ko si Dmitri, nakatingin lang  ito kay Lorraine. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya, kung ano ang iniisip niya.

Sa mga oras na 'to nakaramdam ako ng takot. Takot na baka dito na matapos ang lahat. Nagbalik na siya, at alam ko naman na matagal na niyang inaantay si Lorraine.

"Come on, I am not here as a kontrabida. Bakit hindi lang tayo mamasyal? Right, veronica?" tumingin ito sa akin na nakangiti. Tinignan ko naman si Dmitri na ngayon ay nakatingin din sa akin at inaantay ang sasabihin ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw at parang naghuhudyat na huwag ako pumayag. Pero ayoko maging bastos sa harap ni Lorraine. Nakakahiya din tumanggi dito. Alam ko naman na kahit ayaw pumayag ni Dmitri, sa kaloob-looban nito malamang gusto niya makasama si Lorraine.

"S-sure." ngumiti din ako pabalik.

"Great." tumayo ito at kinuha ang bag nito na pinapakita kung gaano ito kamahal.

Tumayo na din ako pero hindi ako makalabas dahil nakaharang si Dmitri sa dadaanan ko dahil katabi ko lang siya.

"Bakit hindi kapa tumatayo?"

"You don't have to do this."

Nginitian ko siya.

"You deserve to be happy, my hubby."

MULA nang dumating si Lorraine, hindi na ako nakadikit kay Dmitri. Naka-kapit naman sa braso ni Dmitri si Lorraine habang hawak naman nito ang ang mga pinamili ni Lorraine mula sa mga pinasukan naming department store.

Ako heto, nasa likuran lang. Habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa. Kung siguro wala ako sa paligid malamang masayang pinapakita ni Dmitri kung gaano niya kamahal si Lorraine.

Tinignan ko ang isang paper bag na dala ko. Ito yung mga pagkain na pina-take out ko. Sobrang dami kasi ng natira at malamang hindi ito kakainin ni Lorraine.

Tinignan ko ang laman ng wallet ko. May sapat pa naman ako na pera para puntahan sa tinitirahan sina Daphne at Myra. Siguro doon na lang muna ako didiretso para magkaroon pa nang mahabang oras si Dmitri na makasama si Lorraine.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon