HOWW 16

4.4K 114 0
                                        



Chapter 16
Day 6.2


TWO HOURS bago mag-lunch nang makadating ako dito sa kumpanya na pagmamay-ari ni Dmitri. Ito ang ikalawang beses akong nakarating dito.

Dala ang lunchbox at suot ang simpleng pantalon at shirt habang umaalon ang nakalugay kong buhok. Dire-diretso akong pumasok, nakilala naman na ako ng guard dahil nakarating na ako dito at dahil siguro nakarating na din sa kanila na ako ang asawa ni Dmitri.

Pagkadating ng sinasakyan kong elevator sa palapag kung saan ako bumaba noon. Napansin ko naman na parang nagulat ang ilang empleyado sa pagdating ko. Iba yung tingin nila sa akin kesa nung unang punta ko dito, hindi ko tuloy alam kung paano ako ngingiti sa kanila.

"Nandito yung present at nandoon naman ang past."

Hindi ko naman na gets ang sinabi ng isang empleyado. Tahimik na lang akong dumaan sa gitna ng office nila patungo sa opisina ni Dmitri.

Sobrang bigat nang pakiramdam ko habang papalapit ako sa opisina ni Dmitri. Hindi naman ganito ang naramdaman ko nung unang punta ko dito.

Wala akong narinig na kahit na anong ingay tanging ang tunog lamang ng sandal ko ang naririnig ko sa gitna ng hallway.

Pagkaliko ko nakita ko na ang lamesa ng secretary ni Dmitri. Maski siya ay nagulat din sa pagdating ko.

Bakit ganito ang reaksyon nila?

Nanginginig itong tumayo at yumuko hudyat na pagbigay galang sa akin.

"G-good afternoon, Mrs. Weinstein." hindi ko alam kung anong dahilan at bigla siyang kinabahan.

"Tell him, I am here." walang nababakas na kahit na anong emosyon sa bawat salita na binitawan ko sa kanya.

Ngunit hindi ito gumagalaw sa pwesto nito parang walang narinig mula sa akin.

"Did you here me?! Tell him, I am here!" hindi ko na maiwasang hindi magtaas ng boses. Masyado na akong naguguluhan sa mga kinikilos ng empleyado dito.

Bakit ba parang gulat na gulat sila na nagpunta ako dito?

"I am sorry, madame. But Mr. President will not accept any visitor even if it is his wife."

"What?!"

Tinalikuran ko na ang secretary ni Dmitri at tinungo ang pinto nito. Sinubukan akong pigilan ng sekretarya niya pero inaalis ko ang paghawak niya sa braso ko.

"Madame, this is command from Mr. president."

Huminto ako sa tapat niya at tinignan siya na kulang na lang bumulagta na siya sa sahig sa sobrang sama ng tingin ko.

"You don't have any idea, who I am."

Nilampasan ko siyang tulala na nakatayo sa tapat ng lamesa niya.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Lorraine. Ngunit wala si Dmitri sa opisina nito. Prenteng naka-cross ang legs nito sa mini sala ni Dmitri. Gulat naman siyang napatingin sa akin, napatayo pa nga siya mula sa kinauupuan niya dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko.

"What are you doing here?! Did I told to Dmitri's Secretary that no one can enter his office even if its his wife."

Gusto ko na siya saktan dahil sa sinabi niya. Ngunit pilit ko kinakalma ang sarili ko, ayoko masira ang pagiging edukada ko sa babaeng 'to.

"Did you know the fact?" seryosong tanong ko sa kanya at naglakad sa office table ni Dmitri at nilapag ang dalang lunchbox. Umupo ako sa office chair nito at tumingin kay Lorraine na nananatiling nakatayo.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon