HOWW-34

4.4K 89 0
                                        


Author's note:

Baka po malito kayo sa point of view ni Dmitri. Lahat po ng P.O.V niya ay flashback hanggang sa makarating siya sa kasalukuyan. Iyon lang. Salamat. :-)

Enjoy....

...............................

His One Week Wife
Chapter 34

Dmitri's P.O.V

NANALO ang team namin sa isang Basketball championship. Tuwang-tuwa ang buong team dahil sa malaking tropeyo na maiuuwi namin sa University.

Masayang lumapit si Lorraine sa akin at inabot sa akin ang bottled water at pinunasan ang pawis ko.

"Congratulation, my love. I am so proud of you." Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pagpunas ng pawis ko.

"Naks! Sana all may supportive girlfriend." Sabi ni Vander pero hindi ko siya pinansin.

Binuhat ko si Lorraine at hinalikan at narinig ko ang hiyawan ng mga manonood sabayan pa ng mga kaibigan.

Matapos ng araw na iyon ay nagyayaan ang buong tropa mag-celebrate sa bahay nagpaalam naman ako sa girlfriend na agad naman niya pinayagan basta ang sabi niya ay huwag daw ako iinom ng madami dahil may pasok bukas.

Ang swerte ko talaga sa gf ko.

Nasa kalagitnaan kami nang pag-inom nang lumapit si Hunter sa akin.

"Bro, napapansin mo ba yung babaeng lagi sumusunod sa iyo?" Tanong nito dahilan para mapatingin sa kaniya.

"Baka isa lang sa mga humahanga." Sabi ko. Dahil maraming babae na nagkakandarapa sa akin.

"Siguro nga. Pero masyado naman atang obsessed ang babaeng 'yon. Madalas ko siyang makita kahit saan ka pumunta."

"Tado! Baka patay na patay sa akin."

Nagtawanan kami at tinuloy na din ang kasiyahan.

Sumunod na araw, sobrang dami ng project na ibinigay sa amin ng mga professorry namin, dahil hindi kami naka-attend sa mga klase dahil todo praktis kami para sa championship.

Kasalukuyan na naglalakad kaming magkakaibigan ng may iilang babae na nagsusumbong sa akin dahil sinasaktan sila ni Lorraine, pero hindi ko sila pinansin. Siguro nagawa lang niya lang iyon dahil marami siya nakikita na hindi maganda sa mga humahanga sa akin. Hindi naman gagawa ng isang bagay si Lorraine kung tama naman ang ginagawa.

Kinikilala ako bilang Mr. Perfect ng university na ito. Dahil sabi nila masyado daw akong mahinahon at magaling sa lahat. Wala naman sa akin ang bagay na iyon dahil mula pagkabata ay tinuruan na ako ng grandparents ko at parents ko sa mga hobbies nila na agad ko naman natutuunan.

Isang araw sumali ako sa isang singing contest at hindi ko inaasahan na mananalo ako sa contest na iyon. Kaya ayon, madalas kami mag-away ni Lorraine dahil nagseselos siya sa mga babaeng humahanga sa akin. Pero ang sabi ko wala naman sa akin iyon dahil siya ang mahal ko, pero ayon. Mas lalong nagalit sa akin. Hayst!

"Tol! Andyan na naman yung babae."

Tinignan ko naman ang tinuturo ni Hunter at ayon nga nakatingin sa gawi ko ang isang babae na hindi kalayuan sa pwesto ko, may kasama siyang dalawang babae at mukhang kinakausap siya pero hindi niya pinapansin dahil sa pagkakatitig nito sa akin.

Nginitian ko siya na agad na nagpawala sa pagkakatulala niya. Nahihiya siyang yumuko at nalaglag pa ang kutsara nito dahil sa pagkakataranta.

"Grabe. Ang lakas ng tama sayo ng babaeng 'yon." Sabi ni hunter at natawa siya dahil sa nasaksihan.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon