Chapter 17
Last DayMATAAS na ang sikat ng araw pero heto ako at hindi pa din nakakaramdam ng antok. Namamaga na ang mata ko sa sobrang kakaiyak ko kagabi kakaisip kung kamusta na si Lorraine? Kung galit pa ba sa akin si Dmitri? Magdamag akong nag-antay kung umuwi ba si Dmitri pero hanggang ngayon hindi pa din siya umuuwi.
Gusto ko magalit sa sarili ko dahil sa kabila ng pagtalikod sa akin ni Dmitri....
Mahal ko pa din siya!
Tinignan ko ang singsing sa kamay ko. Gusto ko na siya tanggalin at itapon pero kapag naiisip ko na galing 'to kay Dmitri, biglang nawawala sa isip ko na itapon ito.
Napabangon ako nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Dmitri. Pinunasan ko ang luha ko bago bumaba para salubungin siya.
Pero napahinto ako nang makitang lasing ito at pabagsak na umupo sa sofa.
"D-dmitri." akmang hahawakan ko siya ng hinawakan niya ng sobrang higpit ang panga ko. Napangiwi ako sa sakit sa ginagawa niya.
Hindi! Hindi na ito yung Dmitri na nabago ko sa loob ng isang linggo. Hindi ito yung Dmitri na laging nakangit sa akin. Bumalik sa dati ang lahat.
"Nasasaktan ako." pilit ako kumawala sa pagkakahawak niya sa panga ko pero mas lalong humigpit ang pag-ipit niya. Parang mababasag ang buo ko ano mang oras.
Tumulo na ang luha ko sa sobrang sakit nang pagkakahawak niya. Yung mga mata niya, nagbabaga sa sobrang galit. Ganitong-ganito ang mga mata niya nang dahil kay Lorraine.
"Alam mo ang ayoko sa lahat? Yung nasasaktan si Lorraine?! At hindi ko mapapatawad ang kung sinoman ang makakapanakit sa kanya....." bigla niya akong itinulak para mapasalampak ako sa sahig.
"......maski na ikaw."
Tangina! May mas sasakit pa ba dito? Kasi kung meron pa, ibigay niyo na?! Iparanas niyo na! Kotang-kota yung sakit na dumapo sa puso ko.
"Pinagbigyan kita sa deal mo na 'to. Pero ano pang isusukli mo? Ang saktan si Lorraine?!"
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at sinampal siya nang sobrang lakas.
"SORRY HA! I CAN'T BE HER. YOU WANT HER, YOU NEED HER, BUT I WILL NEVER BE HER....."
Pilit ko pinunasan ang luha ko pero traydor ayaw makisama. Pinapakita pa din nila na mahina at tanga ako sa paningin ni Dmitri.
".....BINIGAY KO LAHAT DMITRI. LAHAT! WALA NA AKONG TINIRA MASKI MALIIT SA SARILI KO DAHIL SA PAGMAMAHAL KO SAYO!..."
"......OO! DEAL LANG 'TO SAYO! PERO MINAHAL KITA SIMULA NUNG COLLEGE PA TAYO HANGGANG NGAYON! IKAW PA DIN DMITRI!! IKAW PA DIN!!".... pinagsusuntok ko ang dibdib niya sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.
Hinuli niya ang kamay ko mula sa pagkakasuntok sa kanya at mahigpit niya itong hinawakan sa pulso.
"I don't care about your love. Dahil kahit kelan hinding-hindi ako magmamahal ng babaeng desperada mula sa pag-ibig ng isang katulad ko na may mahal pa din na iba!"
Nanghina ang buong pagkatao ko mula sa binitawan niyang salita. Gusto kong hindi maniwala sa sinabi niya. Gusto ko isipin na baka galit lang siya kaya niya nasabi ang bagay na 'yon. Kung panaginip lang 'to. Gusto ko magising na at baka isang araw ayos kami at walang Lorraine na mahal niya pa din.
"No, hindi totoo 'yan!" sinunod sunod na ang pagtulo ng luha ko.
"Iyon ang totoo. Sinakyan ko lang lahat ng 'to para mapirmahan mo na ang annulment at para mapakasalan ko na si Lorraine."

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...