HOWW-03

5.5K 121 2
                                        




His One Week Wife
Chapter 3:






BUMANGON, ako mula sa pagkakasalampak sa sahig kahit tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na makayanan ang sakit na nararamdaman ko.

"Ano bang ginawa ko sayo para saktan mo ako nang ganito?" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tanungin siya nang ganitong katapang.

Agad naman napatingin sa akin ang nagbabaga niyang mga titig. Gusto ko manlambot at tumakbo na lang papuntang kwarto.

Ganito ba talaga niya ako kamuhian? Kung nakakapatay lang siguro ang mga titig niya, matagal na siguro akong namatay muka rito sa kinakatayuan ko.

"At may gana ka pang magtanong ng ganyan, ha."

Pinunasan ko ang luha ko patunay na hindi na ako natatakot sa kanya. Kung hindi ako maglalakas loob na tanungin kung anong ang kinakagalit niya, patuloy niya lang ako sasaktan ng ganito.

"Wala akong ginawa sayo, Dmitri. Ang gusto ko lang naman ay mamuhay tayo ng tahimik at maayos. Pero bakit ganito?!..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sipain niya ang glass table na nasa tabi. Nagkawasak ito habang ako ay nakatingin lang sa kanya kung gaano siya kagalit na pinagsisipa ang gamit mula rito sa living area.

"D-Dmitri, t-tama n-na." pero hindi niya ako narinig at patuloy lang siya sa pagsira ng mga gamit. Kahit ang vase na iniregalo sa amin from brazil ay nabasag niya.

"TAMA NA! TAMA NA, DMITRI!." Yinakap ko siya mula sa likod. Hindi ko inalintana ang mga bubog na naapakan ko. Pero hindi ko dama ang sakit. Mas nasasaktan ako sa nasasaksihan ko ngayon.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at tinulak ako papalayo sa kanya na lalong ikinasakit ng nararamdaman ko.

"HUWAG MO AKO HAHAWAKAN!"

"ANO BANG GINAWA KO SAYO, DMITRI?! BAKIT MO AKO SINASAKTAN NG GANITO?!!" Tuluyan na akong sumabog.

"WALA NAMAN AKONG IBANG GINAWA KUNG DI ANG MAHALIN KA! ANG GUSTO KO LANG NAMAN AY MAHALIN MO RIN AKO AT ITURING MO RIN AKO BILANG ASAWA MO!"

Napahilamos siya sa mukha niya at sinabunutan ang sarili niya.

"Dahil sayo, iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko." agad akong napatigil sa sinabi niya.

Ang babaeng tinutukoy niya ba ay yung girlfriend niya nung first year college kami?

Tama ba ang naririnig ko? Umiiyak siya?

"DMITRI, HIN----"

"DAHIL SAYO KAYA AKO NAGDUDUSA NG GANITO! DAHIL SAYO KAYA AKO PATULOY NASASAKTAN DAHIL SA PAG IWAN SA AKIN NG BABAENG MAHAL KO! DAHIL SAYO ANG LAHAT NG 'YON! IKAW ANG PUNO'T DULO NG LAHAT NA ITO! KAYA HUWAG MO AKONG TATANUNGIN KUNG ANONG PROBLEMA SA PUNYETANG PAGSASAMA NA'TO!!"

Ito na siguro ang pinakamasakit na narinig ko sa buong buhay ko. Ito na siguro ang hinihingi kong sagot mula sa kanya. Ito na 'yon.

Akmang lalapitan ko siya pero agad niya itong pinatigil gamit ang hintuturo niya.

"HUWAG MO AKO LALAPITAN! HINDI KO KAILANGAN NG AWA NG ISANG TULAD MO NA MAKASARILI! LUMAYAS KA SA HARAP KO!"

Kahit ayoko umalis ay napilitan akong tumalikod papalayo sa kanya. Pero bago ako makalayo ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"You deserve to be hurt, veronica."

Ngumiti na lang ako ng mapait sa sinabi niya. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at napasandal hanggang sa mapa-upo ako. Ilang parte na ba sa kwentong ito na hindi ako umiyak sa sakit at lungkot?

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon