Chapter 10:
Day 3.2
WAGON INTERNATIONAL UNIVERSITY.
Dito nagsimula ang lahat-lahat.
Dito ko siya nakilala at hinangaan.
Dito ko na diskumbre na may isang Dmitri Weinstein na nage-exist sa mundong ito.
Dito nagsimula ang lahat kasama ang ex girlfriend niyang si Loraine.
"Ang tagal na mula ng mag-aral tayo dito." saad ko sa kanya. Tahimik kaming naglalakad sa hallway. Marami kaming nadadaanan na mga estudyante na talagang kinikilig kapag napapatingin sila kay Dmitri.
Tumingin siya sa akin na may kasamang ngiti.
"Tama ka. Panahon na kung saan iniligtas mo ang buhay ko." napangiti ako nang maalala ko ang araw na 'yon.
Flasback.
SABADO ngayon walang pasok. So, it means, time na para gumimik. Napasyahan namin ni Daphne at Myra na pumunta ng bar mamayang gabi, wala naman ako balak mag hanap ng gwapings gusto ko lang magchill kasi tapos na ang mid term namin. So it's time to relax ourselves.
Sinundo nila ako sa bahay at pinaalam kay mommy na mag-chill lang. Pumayag naman si mommy, may tiwala naman siya kila Daphne at sa akin.
Sa labas pa lang ng bar ay rinig na namin ang ingay at amoy ng alak. Hindi panibago sa akin ang amoy ng alak dahil nakatikim na ako nito. Yon nga lang kontrolado.
Umupo kami sa vacant table at umorder sa waiter ng beer at pulutan. Ako naman Light beer lang yung inorder ko.
"Ano ba 'yan?! Bakit light beer lang ang ini-order mo? Hindi chill ang tawag dyan." iritang puna ni Daphne.
"Wala ako sa mood uminom ng hard. At saka isa pa aalis kami ni mommy bukas, kaya dapat wala akong hang over." katwiran ko at nagpasalamat sa waiter na naghatid ng order namin at inilipag ito sa lamesa.
"Alam mo, grabe talaga yung issue na kumakalat sa university ngayon. Solid na solid pa din till now." tahimik lang akong nakikinig sa sinabi ni Myra.
Yung issue na sinasabi niya tungkol doon sa girlfriend ni Dmitri na si Loraine Abra na isang captain volleyball player.
"Ayy true sis. Grabe ang amo ng mukha yon pala malandi. Naku! Kaya ayoko nalalapit sa maamo ang mukha e, nasa loob ang kulo." sabi ni Daphne at tumungga ng beer.
"Ang tanga lang niya. Si Dmitri Weinstein pa ang niloko niya. Pinalit niya ang ginto sa tanso. Di ba niya alam na maraming naghahabol kay Dmitri? Tulad ng frenny natin." kinurot naman ako ni Myra sa tagiliran.
"Tigilan niyo nga ako."
"Sus, kunyare galit pero deep inside masaya kasi hiwalay na sila ng girlfriend ni Dmitri."
Tumingin ako kay Myra.
"Huwag nga kayo magsalita ng ganyan. Kahit gustong-gusto ko si Dmitri. Hindi ko ginusto na mangyari yung ganoon noh."
"Tigilan mo nga kami friend. Ayaw mo non. Single na si Dmitri so time na para lapitan siya. Destiny na mismo gumawa ng paraan para mapalapit ka sa kanya."
Inirapan ko siya.
"Destiny mo, utot mo." tsaka ako uminom ng light beer.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng mapansin namin ang kabilang table na sobrang ingay. Madami sila at talagang naka varsity pa sila.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...