His One Week Wife
Chapter 24:
SUMALUBONG sa akin ang isang mainit na hangin ng bansang sinilangan. Dalawang taon nang huli ko malanghap ang init ng hangin na sa pilipinas mo lamang makakamtan. Pakiramdam ko tuloy, para na akong naka-uwi sa sarili kong tahanan.
"Its good to be back, right nica?" Napatingin ako kay Myra na ngayon ay katabi ko lang sa labasan mismo ng eroplano.
"What do you mean?"
Sinuot nito ang shades nito bago tumingin sa akin. She wore an elegant royal blue off shoulder with white ripped jeans and royal blue stilleto.
"You know the answer, nica." At naglakad na ito pababa ng eroplano. Naiwan naman akong may malaking tanong sa aking mukha.
Sumunod na din ako bumaba. Nagpahuli naman bumaba sina Daphne dahil kasama nito ang asawa at karga nito si baby mikki na ngayon ay tulog na tulog pa din dahil sa haba ng byahe.
Naglakad ako sa gitna ng red carpet at nag-aantay sa dulo nito ang sasakyan kung saan may isang armadong lalaki at yung isa naman ay magiging driver ko. May tatlo din na Flight attendant na nakatayo. Yumuko sila at ngumiti sa akin.
"Welcome back, Ms. Billionaire."
Ginantihan ko sila ng ngiti bago sumakay sa nakabukas na pinto banda sa may back seat.
Sumakay din ang body guard sa passenger at sumunod naman ang driver.
Habang nasa gitna kami ng byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tinitignan ang paligid ng bawat na dadaan namin.
Marami na din pala nagbago yung mga gusali na itinatayo lang noon, ngayon ay gawa na.
Sa totoo lang, natatakot ako ng isipin na pupunta ulit ako ng pilipinas. May kung ano akong pakiramdam na parang may hindi magandang mangyayari.
Natatakot ako baka isang araw makita ko ulit siya. At hindi ko alam kung paano ko siya kakaharapin. Pero sana hindi na muli magtagpo ang landas naming dalawa.
Pagkahinto sa tapat ng sasakyan sa tapat mismo ng resort na binili noon nina mom at dad.
"MAMAAAA!!" Agad akong napangiti ng marinig ko ang boses ni baby mikki na ngayon ay patakbong lumalapit sa akin habang nakataas ang dalawang kamay.
Sumunod naman na lumabas sina Myra at Daphne kasama ang asawa nito na naka-akbay sa balikat nito.
"Minsan nagtataka ako."
Napatingin ako kay Daphne pagkatapos ko panggigilan yung pisngi ni baby mikki.
"Bakit?" Kinagat ko yung pisngi ni baby mikki gamit ang labi ko. Ang cute niya kasi tapos namumula pa yung pisngi.
"Ikaw ata ang nanay hindi ako." Nagtatampo na saad ni Daphne.
Umupo kami ni baby mikki sa sofa ng resort.
Hindi na ako nagtaka pa sa sinabi ni Daphne. Marami na din nagsabi na mas nagiging kamukha ko daw si baby mikki kesa kay Daphne. Mula kasi ng ipinanganak ito ni Daphne talagang ako ang nag-alaga dito. I mean, kasama ko ito lagi sa mall or minsan pupunta pa ako sa bahay nina Daphne para hiramin si baby mikki.
"Mag-asawa kana kasi, para may sarili ka ng anak at pamilya."
Natigil ako sa kakakulit kay baby mikki dahil sa sinabi ni Daphne. Ibinaba ko ang bata at tumingin sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...