HOWW-07

4.4K 119 4
                                        




His One Week Wife
Chapter 7:
Day 2







NAGISING ako sa isang katok. Ayoko pa sana tumayo pero sadyang makulit ang taong 'yon.

Sino ba siya at ang aga-aga nambubulabog?

Humihikab ako habang naglalakad papunta sa pinto ng guest room kung saan ako naroroon.

"What?" inaantok na bungad ko. Humikab pa ako habang nakapikit. Hindi ko na inintindi kung sino kaharap ko. Antok pa ako!

"Hindi mo ba ako ipagluluto?" nakarinig ako na parang pinipigilan niyang matawa.

Matawa? Bakit ano bang nakakatawa sa pambwi-biwist sa tulog ng may tulog?

"Ginising mo ako para lang magluto." wala sa sariling sabi ko. Nandyan naman sina manang bakit kailangan ako pa?

"Cause, I love your cooking, my wife." mahinahong sagot ng kausap ko.

Teka? Tinawag niya akong....

My wife?

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at laking gulat ko ng makitang nakatayo si Dmitri sa tapat ko naka-pang opisina na ito. Hawak na niya ang kulay navy blue niyang coat sa kanang kamay. Naka suot na din siya ng long sleeve na puti na nakabukas pa sa ilalim na leeg niya. Nakaayos din ang buhok niya. Ang gwapo niya ngayon, ang presko-presko ng mukha niya samantalang ako..... mukhang binagyo at ang baho ko pa!

Agad kong sinara ang pinto at tumakbo sa banyo para maghilamos. Nakakahiya, nakikita niya pa ang panget kong mukha ko sa umaga tas lumilitaw pa ang malalaki kong muta. Kadiri! Yung hininga ko sobrang langsa. Yung buhok ko sobrang tigas at ang gulo.

Nakakainis! Nakaka-turn off.

Tumingin ako sa orasan at ala-sais na ng umaga. Kailangan ko na magmadali para makapagluto kasi by seven aalis na siya para pumasok sa opisina.

Hindi na ako nag-abala na magsuklay pa, pinusod ko na lang ito at hinayaan malaglag ang baby hair ko. Nagpalit ako ng oversized shirt at bumaba na.

Pagbukas ko ng pinto wala na doon si Dmitri. Naku! Baka umalis na siya. Kailangan ko magluto. Ito ang ikalawang araw bilang asawa niya, so dapat hindi ako papalpak. Hindi dapat masayang ang araw na 'to.

Naabutan ko si Dmitri sa dining area habang nagbabasa ng dyaryo. Ako naman ay patakbong pumunta ng kusina.

"Good morning, Dmitri. Anong gusto mong lutuin ko?" tanong ko. Habang sinusuot yung apron.

"Anything. Basta ikaw ang nagluto."

Ano ba 'yan?! Ang aga-aga pinapakilig ako ni Dmitri.

Hindi na ako na ako sumagot at nag-umpisa nang magluto. Mga madadali lang lutuin yung inihain ko. Tulad ng hotdog, bacon, egg tapos toasted bread. Ipinagtimpla ko rin siya ng kape.

"Pupuntahan mo ba ako sa opisina mamaya?" nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita siya.

Ba't naman niya kaya na tanong?

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon