HOWW-21

4.5K 100 2
                                    

His One Week Wife
Chapter 21:

Lorraine P.O.V

PUMASOK ako sa isang kwarto kung saan nandoon ang pinagawa kong off shoulder wedding ball gown. Lumapit ako dito at hinawakan ang tela. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang dumampi na ito sa aking palad.

Bukas na.

Magiging ganap na Mrs. Lorraine Obra-Weinstein na ako bukas. At hindi na ako makapaghintay na dumating ang oras na iyon.

Tuluyan nang magiging akin si Dmitri.

Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa tela dahil nakarinig ako nang malakas na ingay galing sa labas ng silid na kinaroroonan ko.

Agad akong lumabas at nakita ko si Dmitri na lasing na lasing at hindi inalintana ang basag na vase na natumba dahilan para kumalat ang bubog sa lalakaran niya.

"Dmitri." Agad ako tumakbo pababa para salubungin at alalayan siya.

Isinampa ko sa balikat ko ang isang braso niya at hinawakan siya sa bewang.

"Bakit ka ba naglasing? Alam mo naman na kasal na natin bukas." Saad ko habang inaalalayan ko siya paakyat.

Wala akong narinig mula sa kanya kundi ang pag-ungol lang.

Ibinagsak ko siya sa higaan. Pinunasan ko ang pawis niya at hinubad ang coat niya

Naghanda ako ng plangga na may maligamgam na tubig at towel para punasan siya. Habang tinatanggal ko ang sapatos niya at medyas ay narinig kong parang nagsasalita siya pero hindi ko marinig dahil nasa paanan niya ako. Hindi ko na lang inintindi kung anuman ang sinabi niya.

Umupo ako sa gilid niya at pinigaan ang towel para umpisahan na siyang punasan pero napatigil ako dahil nagsalita siya.

Sunod-sunod na nagsituluan ang luha ko dahil sa binitawan niyang salita. Hindi ko magawang ipunas sa katawan niya ang towel na hawak ko dahil nanginginig ang kamay ko.

Tinignan ko ulit siya na mahimbing na natutulog. Kahit sa pagtulog, siya pa din. Ang babae na 'yon ang sinasambit niya.

"I love you, my wife."

Ngumiti ako sa gitna nang pagluha ko. Iniisip na baka ako ang 'wife' na binabanggit niya sa gitna ng panaginip niya. Kasi magiging asawa na niya ako bukas. At ako na ang magiging asawa niya magpakailanman.

Matapos ko siya punasan ay iniligpit ko ang ginamit ko at tahimik na lumabas ng kwarto.

Hinang-hina ako napa-upo sa sofa kung saan katapat ko lang ang isang manequin na suot ang wedding dress ko para bukas.

Pinunasan ko ang luha ko at sinuot ang wedding dress.

Sabi nila, masama daw magsuot ng wedding dress ang bride dahil hindi daw matutuloy. Pero wala akong pake.

Nakatayo ako sa isang life size mirror at tinignan ang sarili ko habang suot ang dress.

Nakatayo ako sa isang life size mirror at tinignan ang sarili ko habang suot ang dress

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon