HOWW-02

6.8K 148 2
                                        


His One Week Wife
Chapter 2:






M.A.S.A.K.I.T

'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Ay hindi mali, kulang ang salitang MASAKIT sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko sa buong buhay ko para magdusa ng ganito. Wala naman akong ibang hinahangad kundi mahalin lang ako ng taong mahal ko.

Uminom ako ng tubig bago ako humiga. Nasa guest room ako at kahit hindi ito ganoon kalaki ay ayos lang. Simple pero Ilegante.

Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko habang nakatitig ako sa kisame. Wala rin naman kasing silbi kung pupunasan ko ang mga luha ko dahil kusa na silang tumutulo.

Tumagilid ako ng higa at agad naagaw ang pansin ko ang isang picture frame na kung saan kinasal kaming dalawa.

Kahit sa pagkuha ng litrato, Pinapakita niya na hindi siya masaya na ako ang pinakasalan niya. Samantalang ako ay buong tamis na nakangiti.

Bumangon ako at kinuha ang picture frame. Kahit hindi maganda ang litrato ay masasabi kong isa itong memorya kasama siya. Pinunasan ko ang luha ko bago lumabas ng kwarto. Ilalagay ko sa sala ang frame na ito, hindi maganda tignan na nagsosolo ito at nakatago lamang sa guest room.

Bago ako bumaba ay nadaanan ko ang Master's bedroom. Hindi ko nais sumilip pero hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para silipin sila sa loob.

Hindi na ako nahirapan sa pagbukas dahil nakasiwang ito ng bahagya. Kahit nanginginig ako ay nilabanan ko ito. Nakarinig ako ng mahinang boses na parang nag uusap ang dalawa sa loob.

"Siya ba ang asawa?"

Hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot mula kay Dmitri.

"Hindi mo siya mahal noh? Nakita ko kasi kung paano mo siya sigawan at pagtabuyan."

"Mind your own business, cheska"

Agad nanginig ang tuhod ko ng marinig kong magsalita ng mahinahon si Dmitri. Ngayon ko lang ito narinig magsalita ng mahinahon. Kapag ako kasi ang kaharap niya lagi siyang nakabulyaw at galit.

"But you are my business, honey." maakit na tono nito.

Aalis na sana ako dahil matagal na ang katahimik ng magsalita ulit ang babae na siyang dahilan kaya napabalik ako.

"Sagutin mo nga ako, Dmitri. Sino ba siya sa buhay mo bukod sa asawa mo siya?"

Nanlamig ang buong pagkatao ko dahil sa tanong na iyon. Kahit gusto ko ng umalis dahil ayokong marinig niya ang isasagot niya, pero ewan ko ba sa sarili ko na gustong-gustong saktan ang sarili ko.

"Basura. Basura siya sa buhay ko. Ano masaya kana?"

Hindi ko na nakayanan at umalis na ako sa kwarto. Tumulo na naman ang luha ko. Ganto na lang ba? Ganito na lang ba ang kalalabasan ko? Ang umiyak ng walang katapusan? Ang masaktan at dahan-dahang nawawasak? Ganito na lang ba?

Umupo ako sa hagdan at doon humagolhol ng tahimik. Hindi ako makahinga sa sobrang sikip na nararamdaman ko.

Gusto ko magwala. Gusto ko basagin ang lahat na mahahawakan ko. Gusto ko sumigaw sa sakit na nararamdaman ko.

Alam kong wala akong karapatan na masaktan ng ganito. Dahil una pa lang, mula ng ikasal kami hindi niya ako kailanman minahal o itinuring man lang na asawa niya. Kung saktan niya lang ako sobrang bilis lang sa kanya. Kung paiyakin niya ako parang hindi ako isang babae na dapat pahalagahan.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon